Chapter 26 : Fake it 'til you make it

46.8K 2.8K 2.4K
                                    


Chapter theme:

The broken hearts club - Gnash


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Come be the newest member of the broken hearts club, we hate every little thing about the people that we love~" Reika kept singing while looking at me with a grin on her face. Lagi na niya itong kinakanta sa tuwing nagkakasalubong kami kaya nakakabwisit na.

May mga pagkakataon talagang masarap sakalin si Reika... at isa ito sa mga pagkakataong iyon.

"Will you please shut up?" I made it clear that I didn't appreciate her antics pero patuloy pa rin siya sa pagkanta, halatang pinapatamaan ako, kaya kinuha ko na ang backpack ko at lumabas na ng bahay para pumasok sa school. 

"Elemento, sandali!" sigaw niya pero nagbingi-bingihan ako. Bahala ka sa buhay mo, De Juan.


****


"Mainit yata ulo mo?" tanong ni Colette nang maging partner kami sa laboratory activity namin.

"Hindi, bakit?" pagmamaang-maangan ko.

"Girl, kung inis ka 'wag mo naman ibunton sa ballpen at notebook mo. Diin na diin ka kung makapagsulat eh," nakangiwi niyang sambit sabay turo sa notebook kong halos magkaroon na ng mumunting punit.

Huminga na lamang ako nang malalim at bumuntong-hininga. "I'm fine."

"Mabuti naman." She chuckled. "No pass me the specimen nang matapos na tayo," aniya pa.

By lunch time, naabutan ko si Reika sa usual naming mesa. Nakahanda na ang mga pagkain namin at may buffalo wings pa kahit wala namang binebentang ganito sa cafeteria namin. I guess it's her way of apologizing.

"Elemento, ba't ganyan na naman ang mukha mo?" bungad niya sa akin. Paraan niya ng panlalambing. 

"Kasi panget ka," ganti ko na lamang sabay upo sa tapat niya. Pumulot ako ng isang wing at ganoon din si Reika.

"Damn..." biglang natigilan si Reika sa pagsubo ng manok. Mabilis akong lumingon at napagtanto ko agad kung bakit. 

Pumasok lang naman si Warren sa cafeteria na nakasuot ng black long sleeve shirt at black cap. Warren being Warren; his dimples were full show again as he smiled at the students who greeted him. 

"Tadashi Hamada!" I gaped when the realization finally hit me. 

"Ha?!" bulalas ni Reika kaya binalik ko ang tingin sa kanya.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon