Chapter 20 : Black eye please

41.8K 2.6K 2.2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang magising. Kung wala lang talaga akong pasok ay babalik talaga ako sa pagtulog; ayoko rin namang umabsent lalo't first day pa mismo ng bagong school year.

 Hindi na talaga ako magpapadala sa mga masamang impluwensya ni Reika De Juan. I love her but I love my liver more.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan na nasa gilid lang ng kama ko. Nang nasa huling baitang na ay saka ako tumalon pababa sa sahig.

"Jesus!" Reika screamed at the top of her lungs kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin. Para itong tangang nakayakap sa kumot niya, takot na takot.

Nagsimula na lang ang bagong school year, nagugulat pa rin siya sa akin. Wala na, sanay na ako. Next time tatakutin ko na lang siya nang sadya.

"Labas na tayo, baka mamaya gising na ang mga alagad mo," pagyayaya ko sa kanya kaya naman kahit antok na antok pa ay bumangon na si Reika at mabilis kaming nag-ayos.

Pagbaba namin sa sala, naabutan namin sina Magno, Sawyer, Apollo, Haji, at Cohen na nakaupo lang sa mattress na inilatag namin para sa kanila. Para silang mga wala sa sarili habang nanonood ng TV; gulong-gulo ang mga buhok at naniningkit pa ang mga mata dahil sa antok. At least patas kaming lahat na may hangover.

Two months lang akong nawala sa Filimon Heights para sa summer break pero pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas. Sa kabila nito ay hindi ko naman masyadong na-miss si Reika dahil halos araw-araw kaming nags-skype, minsan nga ay sumasali pa ang mga alagad niya sa background para pagtripan ako.

Papasok sana ako ng kusina nang makasalubong ko si Jethro na may hawak nang tray na puno ng mga tasa ng kape. Umuusok pa ang mga ito sa harapan niya kaya mukha tuloy siyang fresh mula sa impyerno. Hmm... Ito rin kaya ang dahilan kung bakit ayaw nina Sawyer na pumwesto ako malapit sa grill sa tuwing nagsa-samgyup kami? Hindi naman siguro, di hamak naman na mas nakakatakot si Jethro kaysa sa akin.

Gaya ng dati, kaswal lang kaming nagtanguan at nilagpasan ang isa't-isa. 

Pagdating ko sa kusina, dumiretso agad ako sa cupboard para kumuha ng choco powder dahil siguradong puro kape ang ginawa ni Jethro. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na silang nakitulog sa sala namin at sa bawat pagkakataon ay laging puro kape ang ginagawa niya, kahit pa ilang beses ko nang pinangalandakang mas gusto ko ng hot choco. Hindi gentleman si Gori.

"Puchangama." Napabuntong-hininga ako nang makitang nasa mataas na compartment pa talaga nailagay nina Daddy ang pack ng choco powder. Sila kasi nag-ayos ng grocery namin nang inihatid nila ako ilang araw na ang nakakaraan.

I took a deep breath and extended my arms, trying to reach it. I even had to tiptoe just so my fingertips could reach it. However, just as I was about to grab ahold of the pack, a hand suddenly appeared out of nowhere and took it first. 

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon