chapter theme: intoxicated - the cab
Paglabas ko pa lang ng classroom, sumalubong agad sa akin ang nakangiting mukha ni Reika. Magtatanong sana ako kung anong meron nang bigla niyang itinaas ang examination booklet niya.
"95 over 100, baby!" she announced with pride and glory.
"Please tell me you didn't cheat," I said jokingly.
Her eyes turned into menacing slits kaya naman natawa ako at mabilis na umakbay sa kanya. "Joke lang! Good job, De Juan! I always knew you can do it!"
Her bright and prideful smile returned. "Celebrate tayo, tutal last day na rin ng sem! Summer break na bukas, Elemento!"
Agad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang maalalang may usapan na kami ni Jethro. Lagot ako sa batong 'yon.
"Medyo napagod ako sa finals. Bukas na lang," pasimple kong suhestyon. Puchangama pumayag ka please lang.
"Bawal na 'tong ipagpabukas! Naka-reserve na tayo sa restaurant!" She grinned. Halatang buo na ang pasya.
"Tayo? Sinong kasama?" tanong ko.
"Siyempre sino pa?" Humalakhak si Reika. "The gang will be there, except for Jethro. May iba raw gagawin. Hayop na batong 'yon. Kausapin mo nga! Sabihin mo 'di mo sasagutin kung hindi pupunta."
Puchangama.
"Baka busy pa ang mga 'yon kasi next week pa ang finals nila? Postpone na natin," I said, still trying to find a way out.
"Okay lang 'yon, di naman sila takot bumagsak." Reika shrugged.
"Uwi tayo para magpalit ng damit tapos susunduin tayo agad ni Magno," sabi pa ni Reika at sa puntong iyon ay alam kong wala na akong kawala. Besides, it's not like I can ever say no to her.
Habang sakay ng taxi pauwi, pasimple akong nagtipa ng mensahe.
Jethro
06:29 PM
Silver:
hey?
Jethro:
Hey
One more class and i'm all yours
Silver:
tempting
focus ka muna diyan
call me after your class, may sasabihin ako
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
General Fiction(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.