Chapter 30 : Housemate

47.6K 2.6K 1.5K
                                    

Chapter theme : i'll run - the cab

Chapter theme : i'll run - the cab

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Reika, finals week na. At least naman magpanggap kang may pakialam ka," I nagged at Reika as she slumped on the living room couch while playing on her phone.

"Yes 'Ma," walang emosyon niyang sagot, hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

I love Reika and she's one of the humblest people I know, pero ayokong binabalewala niya ang pag-aaral niya. At least a little effort and concern would do. Napakaraming kabataan na gustong makapag-aral pero hindi nila magawa dahil sa kakapusan ng pera. We can't take our privileges for granted. 

"Aalis ka?" tanong niya nang makitang nakasuot ako ng grey floral dress na pinaibabawan ko ng white cardigan.

"Yup, I'll be at the city library to check out some books. Doon na rin ako magre-review. Sama ka?" Please say yes. Please say yes.

Malakas siyang humalakhak sabay turo sa mukha niya. "Ako? Pupunta sa library?"

Napabuntong-hininga na lamang ako. Oo nga naman. 

 "Hmmm? Akala ko noon ayaw mo nang bumalik ulit sa city library kasi may naalala ka?" pasaring ni Reika saka nag ngiting aso.

Alam ko kung ano, o sino, ang ibig niyang sabihin kaya napairap ako. "Uso magmove-on lalo na kung hindi naman kawalan."

Binaba ni Reika ang cellphone niya at malakas na pumapalakpak. "That's my elemento!"

"Kaya ikaw magmove-on ka na rin!" I shot back at her kaya agad naglaho ang ngiti sa mukha niya at napahinto siya sa pagpalakpak. "Paano ba 'yan? Mag-isa ka na sa Broken Hearts Club?" dagdag ko pa.

"Babalik ka rin." She snarled.

I just smirked and started putting on my wedged shoes. Papalabas na ako nang biglang may ipinahabol si Reika.

"Hoy, balik ka agad. Sama ka sa amin ni Lucho, nood tayo ng concert sa Wilkinson," aniya.

"Can't go, marami akong gagawin," paliwanag ko. "Ingatan mo si Lucho," biro ko.


*****


Pagdating ko sa city library, naghanap agad ako ng mga librong gusto kong basahin. Dala ang mga ito, umakyat agad ako sa third floor.

Kagaya ng dati, napakaganda pa rin tingnan ng mga glass walls nito na napapaligiran ng mga benches at kung ano-anong tanim. Mula sa glass walls ay kitang-kita ang napakagandang kabuuan ng Filimon Heights. Excited na akong makita ito na may Christmas Ornaments. October pa kasi kaya pang Halloween pa ang mga decoration.

Gusto ko sanang maupo sa bench para overlooking sa city kaso walang bakante. Ayoko namang maki-share kaya mas pinili kong maupo na lang muna sa isa sa mga mahahabang mesa.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon