chapter theme: best years of our lives - evan t & avril lavigne
Natagpuan ko ang sarili kong humahangos habang nakaupo sa sahig. Napapaligiran ako ng mga bubog at nakataob na mga gamit. Unti-unti akong nagbaba ng tingin sa mga kamay kong nanginginig, at nakitang wala na ang bahid ng dugo na kani-kanina lang ay umaagos pa mula sa mga palad ko.
Biglang umalingawngaw ang ringtone ko kaya naman mabilis ko itong sinagot.
"Elemento, ano nang balita sa LQ nina Magno at Kirsten--hoy, ba't ka humahangos?" Narinig ko ang boses ni Haji mula sa kabilang linya.
"J-jogging..." I swallowed hard, trying to bite my lips just so it would stop from trembling.
"Oh?" Humalakhak siya. "Congrats! Nasa gym ka ba ng hotel?"
"Call me back after 10 minutes." Pilit akong tumayo. Nagkalat ng bubog sa kwarto kaya naman maingat akong lumabas sa sala.
"Demanding," he scoffed and hung up.
I felt so drained, physically and emotionally, that I just laid on the living room floor. I didn't even have the energy to crawl up the couch.
Tears streamed down to the side of my eyes as I stared at the ceiling.
"I don't want to die... please stop the pain..."
Hinilig ko ang ulo sa kaliwa at nakita ko ang duguang si Reika na nakahiga sa tabi ko. Walang tigil ang kanyang pag-iyak at pagmamakaawa, kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa bibig niya. Ramdam ko ang matindi niyang takot at pagdurusa.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko pero rinig na rinig ko pa rin ang bawat palahaw at pagmamakaawa niya. Sa isip ko ay nakikita ko pa rin ang kanyang duguang katawan na nakahandusay sa sahig.
Sa isang iglap, bigla kong narinig ang pag-ring ng telephone. Muli kong idinilat ang mga mata ko at tuluyan nang naglaho si Reika.
"Rei..." bulong ko sa hangin.
Patuloy ang pag-ring ng telephone kaya kalaunan ay bumangon na ako at sinagot ito.
"Good Morning, Ms. Silver. You have a visitor po named Addamson Magno. Should we send him up?" tanong ng front-desk staff na halos naging kaibigan ko na.
Nilibot ko ang paningin sa nagkalat na mga basyo ng alak. Mabilis akong umiling. "No. I'll go there. Please ask him to wait for me."
Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo. Kinuha ko ang white robe ko at pinaibabaw ito sa suot kong t-shirt at pajama. Hindi na ako nag-abalang magbihis o mag-ayos pa. Dala ang cellphone ko, bumaba ako sa lobby at nadatnan si Magno na bihis na bihis at may dala pang bulaklak.
Sa kabila ng bigat ng pakiramdam ko, pinilit kong ngumiti at magbiro. "Para sa akin?"
"Kay Jethro ka humingi!" Ngumisi si Magno at hinigit ako sa braso. "Tara, samahan mo ako para 'wag mailang si Kirsten."
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
Narrativa generale(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.