Chapter 69 : The last of us (Part 1 of 2)

35.5K 2.4K 2.6K
                                    

chapter theme: let's go together - pentagon (stan pentagon hihi)

chapter theme: let's go together - pentagon (stan pentagon hihi)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising akong nakahiga sa isang kama, yakap ang tulog-mantikang si Reika. Nakatalikod siya mula sa akin kaya malayang-malaya kong naipatong ang binti ko sa bewang niya.

Sobrang sakit ng ulo ko kaya naman hindi muna ako bumangon. Reika reeked of alcohol kaya naman binitawan ko siya't lumayo nang kaunti, doon ko napagtantong amoy beer din pala ako.

"Rei..." Sinipa ko siya sa pwet. "Rei, gising."

Reika mumbled something and scratched her head. Akala ko babangon na siya pero nanatili siyang nakahiga hanggang sa napansin kong nakatulog na ulit siya.

Bigla akong nakaamoy ng pagkain kaya naman dahan-dahan akong naupo. Nagutom ako bigla nang makitang may tray ng pagkain sa mesa. Tumayo ako at palapit na sana sa mesa nang bigla na lamang may kumatok sa pinto. 

Reika mumbled angrily while I just sighed and walked towards the door.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa harapan ko ang nakasimangot na si Haji na hawak-hawak ang pisngi niyang namumula.

"Ang sakit ng pisngi ko, bigla akong sinapak ng siraulong babaeng 'yon," pagsusumbong niya na parang isang bata. Kulang na lang umiyak siya.

Hinigit ko siya sa kamay at hinila papasok. "Ba't mo kasi binastos?"

Marahas na winakli ni Haji ang kamay ko at nagpapadyak siya sa sahig. "Wala akong ginawa! May tumawag kay Apollo kaya lumingon ako tapos bigla na lang akong sinapak!"

Hindi ko alam kung maawa ako sa kanya o matatawa. 

"Sino ba 'yan?! Sobrang ingay?!" Reika mumbled again while kicking around the bed.

"Reika!" Ma-dramang bulalas ni Haji at hinubad ang tsinelas niya. Mabilis siyang tumalon sa kama at niyugyog ang balikat ng demonya. "Iganti mo ako! Ang sakit ng pisngi ko! Tingnan mo oh? Kayo nga, ni minsan 'di ako pinagbuhatan ng kamay kahit sobrang gago ko na! Reikaaa!"

Lalo lang nagsisipa si Reika, inis na inis. "Mamaya na! Matutulog pa ako!"

"Reika!" Halos magsisipa si Haji sa kama. "Iganti mo ako!"

Natawa na lamang ako. "Sino bang nanapak sa'yo?"

"Igaganti mo ako?" Haji sat up with a big smile on his face.

"Papasalamatan ko." I smirked.

 Haji's smile automatically turned into a frown. "Akala ko kay Magno lang walang nagmamahal, mukhang sa akin din pala."

"Mali ka," Reika said with eyes still closed.

Haji breathed a sigh of relief and smiled triumphantly. "Sabi ko na nga ba, mahal n'yo rin ako eh!"

"Si Magno, hindi ikaw," sabay naming bulalas ni Reika dahilan para agad mapatulala si Haji.

"Uy! Pagkain!"

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon