Chapter 8 : The path

44.8K 2.8K 2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


1 month later


"Pati ba naman lunch time nag-aaral ka pa rin?"

Nabosesan ko agad si Reika kaya itinuro ko na ang tray ng pagkain na inorder ko para sa kanya. 

"Tapos ka nang kumain?" she asked and from my periphery, I saw her take the seat right next to me instead of right in front of me. Clingy cult member.  

"Busog pa ako," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa.

Ayoko sanang huminto sa pagbabasa pero biglang inagaw ni Reika ang libro ko. 

"Give me back my book. I have a quiz to study for," giit ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

"Just go eat your food." She rolled her eyes and placed my book far away from me, all I could do was sigh in defeat.

This had been our dynamic — I was always the one to remind her about studying and other responsibilities, while she's the one who will call me out whenever I let my responsibilities go over my head. We complemented each other in more ways than one.

"By the way, I met this dude the other day," aniya habang malaki ang bawat paglamon, walang pakialam kahit maraming tao sa cafeteria.

"Gwapo?" tanong ko kaya pasinghal na natawa si Reika. Para siyang tangang nagpipigil ng tawa habang ngumunguya. Nag-abot na lang ako ng tubig, mamaya mabilaukan pa. Siraulo talaga.

Marahas na napalunok si Reika at huminga nang malalim. "Alam mo ikaw, kakaiba ka rin eh. You're always so cold and emotionless kaya minsan nagugulat ako sa mga pinagsasabi mo."

"Walang kakaiba sa akin. I'm just as normal as you guys are," I reminded her for the nth time pero natigilan ako nang mapagtanto ang pagkakamali ko. "Nevermind, you and the guys aren't normal."

"Ewan ko sa'yo! Asan na nga ako?" Natatawa siyang napakamot sa ulo niya.

"You met a dude," paalala ko sabay kuha mula sa ulam niya.

"Oh yeah!" She beamed. "His name is Lucho and he used to be a nursing student--"

"Siya 'yung sinabi ko sa'yo na 1st week pa lang nag-shift na ng ibang course. 'Buti madaling kausap ang Dean at madali siyang nakalipat sa Business Dept," I cut her off.

"Siya pala 'yon?" She mused.

"What about Lucho?" tanong ko na lang dahil baka mamaya malihis na naman ang usapan namin mula sa punto. Ganoon kami, 'yung usapan na dapat isang direksyon lang pero kung saan-saan napupunta. 

"'Yun na nga, mabilis niyang na-realize na di para sa kanya ang nursing kaya lumipat na siya. Lipat ka na rin para 'di ka na nagbe-breakdown," aniya kaya agad akong napangiwi.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon