Chapter 46 : Disgrace

45.9K 2.9K 1.7K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Salamat talaga sa Diyos at natauhan ka na. Nakakalungkot dahil kinailangan mo pang maaksidente para lang mapagtanto ang mga pagkakamali mo, Slade."

I closed my eyes upon hearing Dad's words. I always prayed for Slade to come home and make amends with my parents, but at the back of my mind, I was always afraid for this moment to happen — for Dad to feel vindicated enough to believe that he's right all along; for him to shove into our faces how wrong we both are for pursuing our dreams.

"Honey naman, maging masaya na lang tayo na natauhan na ang anak natin," Mom argued jokingly. "Sabi ko naman sa'yo, pasasaan ba't babalik din si Slade sa puder natin."

Ilang linggo na magmula nang makipag-ayos si Slade sa kanila pero heto at paulit-ulit pa rin nilang pinapamukha at sinusumbat ang lahat. Awang-awa na ako sa kapatid kong tinatanggap lang ang lahat.

Hindi ko na masikmura ang mga pinagsasabi nila. Tatayo na sana ako upang umalis sa hapagkainan pero biglang hinawakan ni Slade ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa, pinipigilan ako sa gusto kong gawin.

Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit ang sarili kong ubusin ang pagkaing hinanda ni Mommy para sa amin. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit kami umuwi... kung bakit hindi ko pinigilan si Slade sa balak niyang bumalik sa kulungang matagal na niyang natakasan.

Ibinaling ko ang tingin sa garden ni Mommy na puno ng mga fairy lights. Mabuti na lang at dito kami sa Veranda nag-dinner, kahit papaano ay nakakalma ako ng malamig na hangin sa paligid.

"Hindi lang din naman po ang aksidente ang dahilan kung bakit ako bumalik." Slade smiled like an innocent little boy. Palibhasa may kailangan.

"Oh Bakit?" Mom's face lit up. "Is it a girl?"

"Please tell us it's Reika." Dad looked up and sighed. "Her Grandfather's influence is a great addition to our business." 

Puchangama. I should be happy that they want Reika for Slade but it's for the wrong reasons! This better not get out of the house. I never want Reika to doubt my brother's feelings for her.

Napatingin ako kay Slade na halatang natigilan sa narinig. Siguradong pinipigilan niya lang ang sarili niyang magsalita.

"By the way, Reika seems like a great girl, although her wardrobe and make-up choices need more color and improvement. Silver, turuan mo nga iyon. Dalhan mo na rin siya ng--"

"Mom, Reika's perfect just the way she is," giit ni Slade. "Leave her alone."

"Anak, it's for Reika's own good. No man will take her seriously if she keeps dressing that way," Mom argued with a smile. Ano ba si Slade? Hayop?

"Bakit nga pala hindi n'yo sinama ang batang 'yon?" Dad asked. Nagtaka pa.

"She's with her Mom," sabi ko na lamang.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon