Chapter 73 : Clear

33.4K 2.5K 3.6K
                                    

chapter theme : orasan - iktus

chapter theme : orasan - iktus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


1 month later


"Drummer, be nice to the kids, okay?" paalala kong muli sabay sulyap sa kanya sa pamamagitan ng rearview mirror. He's too young to sit on the passenger seat kaya naman mag-isa siya sa backseat.

Umiling si Drummer habang nakabusangot. "I should be the ring bearer!"

I sighed, trying to hold back my laughter. Ang cute niyang tingnan lalo't nakasuot siya ng suit and tie. "That's okay, sa wedding nina Ate Reika at Kuya Slade mo, ikaw na ang ring bearer. For now, sina Moo at Quack muna. Support mo sila mamaya ha?"

Tumango siya kahit nakabusangot pa rin. "Sa Wedding ko rin, ring bearer ako."

Natawa na lamang ako. Nakakatuwa rin 'tong si Drummer kausap eh, parang lasing lagi.

Pagdating sa parking lot ng Nature Park, napabuntong-hininga na lamang ako. Natanaw ko kaagad si Haji na nakaupo sa isang tabi, suot ang kanyang amerikana. Its a wedding but Haji sure looks like he's mourning.

"Ayos! Bagong kotse pero mukha ka pa ring bangkay!" bulalas ni Haji sa paglabas ko ng sasakyan. Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretso sa backseat. Binuksan ko ang pinto at agad kong kinarga ang nakasimangot na si Drummer.

"Panget!" He screamed, sticking his tongue out at Haji. 

Humalakhak si Haji at napahawak sa magkabilang bewang. "At nandito na naman ang mini-impakto."

Imbes na gumanti, bumuntong-hininga na lamang ako. Today's probably one of the worst days of his life kaya naman hahayaan ko na lang muna siyang laitin kami. 

"Silver!" Lumapit kaagad si Riley at humalik sa pisngi ko, ganoon din kay Drummer. "Gosh! Akala ko ilang taon ka na naman naming 'di makikita!"

Tumawa na lamang ako. "Pasensya ka na pala, natagalan kami. Late na nagsimula ang graduation ni Slade."

"Speaking of..." Lumingon siya sa sasakyan ko. "Nasaan sila ni Reika?"

"On the way na, nauna lang ako kasi nagpa-gas pa sila." 

"Good! Akin na muna si Drummer Boy tapos doon ka na sa make-up station," sabi ni Riley at walang pagdadalawang-isip na inagaw mula sa akin ang bata.

"Kuya! Gusto ko po makakita ng animals! Doon tayo sa mini zoo!" sabi agad ni Drummer sabay yakap sa leeg ni Riley. 

"Animals?" Humalakhak si Riley at ngumuso kay Haji na parang tangang pasipa-sipa lang sa gulong ng sasakyan. "Tingin ka sa kanya, hayop 'yan."

I glared at Riley. Hindi sa dinedepensahan ko si Haji, ayaw ko lang talagang maturuan ng kademonyohan si Drummer. 

***

The wedding is set on top of a hill overlooking the beautiful ocean and lush green forest surrounding the nature park. The view is beautiful, but the fact that this place held a great significance in the bride and groom's love made it even more special.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon