Chapter 69 : The last of us (Part 2 of 2)

35.1K 2.6K 4.4K
                                    

chap theme: brekaing me again - fm static

chap theme: brekaing me again - fm static

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Naglaro kayo ng luksong tinik?" tawa nang tawa si Slade nang bumisita siya sa kwarto upang kumustahin kami. Ang kasama niya kasi sa kwarto ay ang mga ka-banda niya.

"Kayo? Ano bang ginawa n'yo doon?" Reika asked while hugging Slade from the back. Kapit tuko. Noon ay nandidiri ako sa tuwing naglalambingan sila pero kalaunan ay nasanay na ako. They actually look cute when they're clingy towards each other, which is like most of the time. I like watching two of my favorite people be happy in each other's arms.

"Inuman kami kagabi, catch-up sa kanya-kanyang buhay. Tapos bigla kaming sinugod ng nanay ni Cohen kaninang umaga, pina-practice na kami para bukas. Buong araw, tutok na tutok sa amin. Halos idikta pati galaw ng ulo ni Heath," natatawang kwento ni Slade.Bigla akong nilingon ng kakambal ko at dumako ang mata niya sa bandaid na nasa braso at panga ko. "Nadapa ka kanina?"

"Yeah." Reika answered for me. "Siraulo kasi si Denver."

Before Slade could ask anything else, someone knocked on the door.

"Pasok!" sabi ni Slade, tutal hindi naman ito naka-lock. 

Bumukas ang pinto at sumilip si Magno. "The Van's ready. Let's go to church."

"Makakapasok ba kayong tatlo doon?" tanong ni Slade kaya sabay-sabay namin siyang sinamaan ng tingin.

***

Akala ko ba ready na ang van?" tanong ni Reika habang nasa garden kami at hinihintay ang van na magdadala sa amin ng simbahan. Bukas na ang kasal kaya naman kailangan na naming mag-practice lalo't parte kami ng entourage.

"Ready na pumunta rito." Magno grinned. "Malay ko rin ba naman kasi na hindi kayo matatagalan sa pagbibihis."

"Si Slade pala?" tanong ni Sawyer.

"Band practice. Cohen's Mom being Cohen's Mom." Reika shrugged. 

"Teka, iisang van lang ba tayong lahat?" tanong ni Haji at binilang-bilang pa kami.

"Kasya 'yan. Kandong-kandong na lang," Magno shrugged.

Mabilis kaming nagyakapan ni Reika. "Partner kami!"

"Kayo naman talaga. Walang ibang gustong pumares sa inyo uy!" pang-aasar ni Magno.

Nang dumating ang van, nagkagulo na kaming lahat. Sobrang ingay namin lalo't kinailangan naming magsiksikan at magkandungan. Mabuti na lang talaga at kanina pa nakaalis sina Braylee at Denver, sabay sa pamilya ni Piper kung hindi ay wasak na naman si Haji.

"'Di ako makahinga!" Pulang-pula ang mukha ni Sawyer habang nakatingala. Palibhasa nakakandong sa kanya ang may kalakihang si Haji.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon