Chapter 18 : Don't say no

42.9K 2.7K 1.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sakit ng ulo ko," reklamo ni Reika habang dahan-dahan kaming bumababa sa hagdan. Kapwa kami may hangover dahil sa dami ng nainom namin pero mukhang mas malala ang sa kanya. Mas matibay ako.

"Putulin na natin?" I joked with my usual demeanor.

"Wow, Silverianne." She looked at me flatly. Basher.

Nang makarating sa sala, naabutan naming nakahandusay pa sina Sawyer, Haji, at Magno sa sahig. Sobrang kalat, akala mo pinaghahagis nila kung saan-saan ang mga binigay naming unan at kumot.

"Asan ang dalawa?" Reika asked, pertaining to Jethro and Apollo.

"Malamang umuwi na." I shrugged. 

Lumapit si Reika para gisingin ang mga ito kaya naman dumiretso na ako sa kusina upang magtimpla ng kape para sa kanila. E-extrahan ko ng pait kay Haji nang makaganti naman ako sa pambibisto niya sa akin.

Pagpasok sa kusina nagulat ako nang makitang nakaupo na si Jethro sa mesa, nakatulala ito at parang napakalalim ng iniiip. Kung si Reika ang nakakita sa kanya, siguradong nagsisigaw na 'yon dahil napagkamalan siyang multo.

Biglang napalingon sa akin si Jethro kaya nagtama ang mga tingin namin. 

Tumango ako bilang pagbati at tumango rin naman siya. 

"Coffee?" I asked. Tumango naman siya ulit.

"Si Apollo?" tanong ko.

"He had to leave early for work," aniya kaya ako naman ang tumango.

Para akong nag-iisa sa kusina habang gumagawa ng kape. Bukod sa hindi nagsasalita, parang hindi rin gumagalaw si Jethro sa kinauupuan niya. Parang estatwa lang na injured.

While waiting for the water to heat up, I made toasted sandwiches for everyone. Sorry sila ito lang ang kaya kong gawin.

Mula sa gilid ng mata ko, napansin kong kinuha ni Jethro ang saklay niya at nagsumikap na makatayo  Kahit injured, tumulong pa talaga ito sa pagse-set ng mesa. Okay din kahit mukhang tanga.

"If it hurts, don't force it," sabi ko pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Habang nagtitimpla ng kape, nagulat ako nang bigla na lamang akong tinabihan ni Jethro at ipinakita sa akin ang cellphone niya. Mas lalo pa akong nagulat nang mapanood ang video namin nina Reika, Magno, Sawyer, at Haji habang bumibirit kami ng Welcome to the black parade. Reika and I were even jumping and laughing around while screaming at the top of our lungs. Para kaming mga takas sa mental!

"What the hell?" Napangiwi ako.

"Wow naman! Para ulit akong may mommy at daddy ah?" bigla kong narinig ang mapang-asar na boses ni Reika. Pero imbes na mainis, nakaramdam ako ng awa para sa kanya lalo't alam ko ang sitwasyon ng pamilya niya. 

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon