Chapter 79 : The Blame

31.4K 2.2K 1.7K
                                    

chapter theme : get better - scotty sire

chapter theme : get better - scotty sire

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nagtatampo na talaga ako sa'yo," bulong ni Haji sa akin habang kapwa kami nakaupo sa sofa ng private room ni Jethro. Kapwa kami bagong bihis at wala nang bahid ng dugo o usok.

"He's asleep. Shut up." Walang emosyon ko siyang sinamaan ng tingin. Both of our voices are hoarse from all the screaming and crying.

"Bugbog sarado ako. Putok 'tong labi ko tapos si Jethro lang ang nilapitan? Magkatabing-magkatabi kami tapos wala man lang, Haji okay ka lang? Ni hindi man lang ako tiningnan." paghihimutok ni Haji sa kawalan, ginaya pa ang pananalita ko. "Parang walang pinagsamahan, Silverianne."

"Pasalamat ka at hinang-hina pa ang braso ko, hindi kita mababatukan." I whispered with gritted teeth. 

Haji just rolled his swollen eyes. If Reika was here, she would've already roasted the living hell out of him. 

"Where's Stacy?" tanong ko na lamang sa kanya.

"Malay ko sa babaeng 'yon." Ngumuso siya. "Isa pa 'yong siraulo."

"How about Jethro's parents?" tanong ko pa. Kinakabahan akong makita ulit sila, hindi ko alam kung mako-kontrol ko ang galit kay Tito Ivan pagkatapos niyang gamitin ang kapangyarihan niya para tulungan ang Lolo ni Reika na nakawin ang bangkay nito. 

"Jethro said not to call his Mom. Si Tito Ivan naman, asang darating 'yong gagong--Gising na yata ang hayop."

Mabilis akong napatayo pero agad akong napangiwi dahil sa sobrang kirot ng paa ko.

"Matakit?" Haji grinned, mocking me.

Naupo na lamang ulit ako. Kinuha ko ang saklay ko at hinampas ito sa kanya. Malas lang dahil mabilis siyang umilag.

"Silver naman," paiyak niyang reklamo dahil paulit-ulit ko siyang pinapalo.

"Matakit?" ganti ko sa kanya dahilan para samaan niya ulit ako ng tingin.

"Okay ka na ba?"

Kapwa kami napalingon ni Haji at nakita si Jethro na nakadilat na at walang emosyong nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napansin na humaba na pala ang buhok niya at lalo pang kumapal ang facial hair niya. Hindi siya suot ang salamin niya kaya kitang-kita ko ang mga mata niyang namumula at walang kabuhay-buhay. Isang taon din kaming hindi nagkita o nagkausap lalo't sinasadya ko noong 'wag kaming magpang-abot sa kahit na anong okasyon noon.

"Ah oo. Mawawala naman daw 'to ilang araw lang," sagot ni Haji sabay himas sa sugat niya. "Pero ang hapdi pa rin talaga."

Jethro looked at me with a blank expression like he's so done with Haji. Nagkibit-balikat na lamang ako.

"How long was I out?" he asked hoarsely. 

"A day," I answered.

"B-Ba.." Umiling siya at hindi na tinuloy ang sinasabi.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon