chapter theme : high hopes- kodaline
"How's day three in Manila?" tanong ni Slade mula sa kabilang linya.
Natawa na lamang ako at nagpatuloy sa pagpili ng mga chichirya mula sa lalagyan. "Grocery shopping. Akala ko mas marami silang products pero pareho lang naman pala sa Filimon Heights. How's my girl?"
"I'm not your girl, Elemento!" sigaw ni Reika. Naka-loud speaker pala ako. Puchangama.
"I'm not talking about you, I'm talking about Braylee," I joked at gaya ng inaasahan, napaulanan ako ni Reika ng mura.
Patawa-tawa ako hanggang sa bigla akong may napansing pamilyar na mukha.
"I'll call you guys later. Always wear protection. Love you." Tinapos ko kaagad ang tawag.
Lumapit ako sa lalakeng nakaluhod at tila ba taimtim na namimili ng chocolate.
"Mukha kang tanga, bumbay."
Nag-angat siya ng tingin at bigla na lamang sumigaw nang malakas, napatingin tuloy sa amin ang lahat. I don't look that scary. Ugh.
"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!" Mabilis siyang tumayo.
I rolled my eyes and continued picking out snacks.
"Teka, sabi nina Reika nasa probinsya ka?" Bumuntot siya sa akin.
"You better not tell anyone I'm here," giit ko.
"Pinagtataguan mo si Jethro?" Tumawa siya kaya agad kong sinipa ang basket na dala niya.
"Pinagtataguan mo nga si Jethro!" Humalakhak siya sa napagtanto. "Alam mo bang hinahanap ka lagi--"
"How would you feel if I talk about Braylee and Denver?" I glared at him.
Agad naglaho ang ngiti sa mukha niya.
"My thoughts exactly." I scoffed and walked away.
I was picking out cans of ready-to-drink coffee when Haji suddenly appeared, holding up a few bottles of beer.
"Ano na naman?" I grunted.
"Tutal ikaw pa lang ang kakilala ko rito. Sige na," pagyayaya niya pero sa tono ng pananalita niya, para siyang isang batang naghahamon ng away.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Sa lahat ng makikita ko rito, bakit ikaw pa?"
"Gusto mo si Jethro?" sarcastic niyang tanong.
"You'll pay for the booze and snacks." Ngumiwi na lamang ako at sinipa ulit ang basket niya.
***
Kapwa kami umiiyak ni Haji habang nakaupo sa sahig ng apartment ko. Nakakadalawang bote pa lang kami ng alak pero para na kaming mga tangang nag-iiyakan. And to think we were never close to begin with.
"'Wag kang umiyak! Hindi pa natin pinag-uusapan si Jethro!" giit niya.
"Sa'yo ako naiiyak, nakakahawa ka!" giit ko naman.
Tumawa siya at lumaklak ulit mula sa bote. Pinunasan niya ang labi niya at muli na naman siyang umiyak. "I should be happy that she's happy, but it fucking hurts knowing I'm not the one making her happy."
Inakbayan ko na lamang siya at hinimas-himas ang likod niya.
He smiled as tears continued to stream down his face. "I always wanted to tell her how happy I really am whenever I'm with her, but I couldn't. I didn't want to burden her with my feelings. Pero ngayon, hindi ko tuloy mapigilang isipin... Paano kung sinabi kong seryoso ako? Would I ever stand a chance?"
"Let it out... Just let it out.." I looked up as I bit my lips and cried in silence. Ayokong umiyak pero nakakahawa si Haji.
"Sana ngayong malayo na ako sa kanya... Sana mawala na 'tong nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong maging masaya para sa kanila ni Denver, pero ang hirap pala. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao." He laughed heartily while wiping his tears.
"Ikaw? Kaya ka rin ba umalis para makalimutan mo siya?" tanong niya at nakuha pang sumandal sa balikat ko. Akala mo talaga isa siyang maliit na bata eh napakalaki niyang tao.
"Filimon Heights has too many bad memories for me." Suminghap ako at ako naman ang nagpunas ng luha ko. "I can't stay in that place anymore."
"So kung magpapakita si Jethro, babalik ka sa kanya?" tanong niya.
Lalo akong napaiyak dahil sa tanong ni Haji.
"Let it out... Just let it out..." Si Haji naman ang umakbay at nang-alo sa akin.
"Natatakot akong baka bumigay na naman ako at bumalik sa kanya," pag-amin ko. "Para akong tanga sa kanya!"
Biglang inilabas ni Haji ang cellphone niya at nagpatugtog ng kanta. Sinakto niya pa sa "High Hopes" ng Kodaline.
Haji took away my empty bottle of beer and replaced it with a new one. Kumuha rin siya ng bago para sa kanya. We clanked our bottles together, drinking our sorrows out.
Eventually, I found myself singing and crying with Haji.
***
Nagising akong nakahiga sa sahig at napapaligiran ng mga basyo ng alak. Walang tigil ang pagtunog ng doorbell kaya naman tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Baho ng mukha mo," bulalas ni Haji at walang sabi-sabing pumasok bitbit ang isang kaldero.
"Hinayaan mo akong matulog sa sahig, di mo man lang ako inihiga sa sofa." I scoffed.
"May kanin ka? May dala akong ulam," aniya at dumiretso agad sa kusina.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko at sumunod sa kanya. "Saan ka nakatira? Nakuha mo pa talagang magdala ng kaldero. Para kang tanga."
"Nagulat nga rin ako, paglabas ko, nasa kabilang kanto lang 'yung apartment ko." Humalakhak siya. "Paano ba 'yan? Mukhang ikaw na ngayon ang drinking buddy ko?"
I sighed. Good luck na lang sa atay ko.
"Tangina! Nasaan ang kanin?!" bulalas ni Haji nang pagbukas niya sa rice cooker ay wala itong laman.
"Kakagising ko lang, tanga ka ba?" Inagaw ko na lamang mula sa kanya ang lalagyan upang makapagluto na ako ng kanin.
"Sana naman marunong kang magluto ng kanin," bulalas niya kaya binato ko siya ng isang butil ng bigas.
"Silver, masama 'yan!" giit niya.
"Mas masama mukha mo!" I stuck my tongue out.
Humalakhak siya. "Mas masama ang mukha ni Reika."
Natawa ako dahil sa sinabi niya. "I miss that girl."
"Kaya nga nagulat ako na umalis ka. Parang sobrang attached mo kasi kay Reika," komento niya.
"Kailangan eh." I shrugged. "Besides nandoon naman si Kirsten."
"Sabi umalis na raw si Kirsten?" Naguguluhan niyang sambit.
"Ha?" Kahit ako ay naguluhan din.
"Ano, babalik ka na ng Filimon Heights?" Ngumisi siya.
Sa isang iglap bigla kong naalala ang hitsura ni Vanessa nang isakay siya sa ambulansya. Sa tuwing naalala ko ito, hindi ko mapigilang malumo.
Umiling na lamang ako at pilit na ngumiti. "I'm starting my new life here."
//
BINABASA MO ANG
When the bridge falls
General Fiction(FHS #5) Silverianne Villafranca only wanted one thing when she came to Filimon Heights - freedom. However, she got more than what she bargained for the moment she met the town's local rebel who comes with a crazy package.