Chapter 32 : Merry

45K 2.7K 2.9K
                                    


Merry Christmas to you and your family! God bless us always <3

Chapter theme: the maine - 12:25

"Hello, what can I get you?" bungad ko sa batang lalakeng pumasok sa clinic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello, what can I get you?" bungad ko sa batang lalakeng pumasok sa clinic.

Napaawang ang labi ng batang mukhang nasa grade 3 or 4 lang. Para siyang nalilitong tumingin Ms. Marichu, ang school nurse. Puchangama, ano ako? Hangin? Nice talking, bata.

Lumapit ang nurse at naramdaman ko ang pabiro niyang pagsundot sa tagiliran ko. "Anong problema?" malambing nitong tanong sabay yuko upang pumantay nang bahagya sa bata.

"My tummy hurts," sumbong ng bata sabay busangot. Cute.

"Okay, let's head over there to sit muna," malambing na sabi ni Nurse Marichu sabay gabay ng bata patungo sa upuan.

Napabuntong-hininga na lamang ako at naupo sa gilid ng pinto. Ilang araw na akong naga-assist kay Nurse Marichu pero parang wala pa rin akong kwenta sa ginagawa ko.

Makaraan ang ilang sandali, lumabas si Ms. Marichu habang nakapamulsa sa suot niyang white uniform. "Silver, hindi 'to bar. Don't ask them what they need, ask them what's the problem."

Tumango ako. "Sorry po, just a force of habit."

She chuckled and sat down next to me. Ms. Marichu is in her mid 20's. She's nice at sobrang daling pakisamahan. Maswerte ako at sa kanya ako na-assign. Parang siya ang nagsisilbi kong boss at instructor, for the meantime nga lang dahil tiyak malilipat na naman ako pagkatapos ng ilang linggo.

"Don't forget to smile, Silver. The kids can't be scared of you," aniya kaya naman tumango-tango ako.

"Tawagan ko muna ang parents no'ng student. Kapag may pumasok, you know what to do."

I looked at her and smiled.

"Wider," aniya kaya mas nilakihan ko ang ngiti ko.

"Tone it down a little, mukha kang bruha," natatawa niyang sambit kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "I'm kidding, Silver. Just try to be friendly to the kids," aniya pa.

When I was left alone, I heaved a sigh and fetched out my phone. Using the screen as my mirror, I tried to practice my smile. Ano ba talagang klase ng ngiti ang gusto nilang makita?

Sa isang iglap ay bigla na lamang kumatok.

Tumayo ako mula sa kinauupuan at huminga nang malalim sabay ngiti sa kawalan. Puchangamang buhay 'to.

I kept on flashing my smile even as I opened the door. Tumambad agad sa akin ang isang batang babaeng medyo magulo ang mahabang buhok at walang kabuhay-buhay ang mukha. She looks way smaller than the little boy who first entered. 

Gaya ng ibang babaeng estudyante, nakasuot ito ng kulay pulang paldang may pa-ekis na suspender sa ibabaw ng kulay puti nitong blouse. Hanggang sa bewang ko lang ang bata kaya naman tumingala ito sa akin.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon