Chapter 28 : Nice Gori

46.7K 2.8K 2K
                                    

Chapter Theme : Our First Song - Joseph Vincent

Chapter Theme : Our First Song - Joseph Vincent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 months later


Days passed by so fast that next thing I know, it's already the last day of September. Since it's a Saturday morning and I have nothing else to do, I volunteered to help out with putting Halloween decorations. It's extra pay as well, so why not.

Habang palabas ako ng bahay, sakto namang dumating ang isang kulay itim na cadillac. Mabilis kong binuksan ang buong gate upang makapasok ito.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa backseat si Attorney Leoncio — ang lolo nina Reika at Magno. 

"Attorney." I smiled as I approached him. Agad akong nagmano sa kanya. Bukod sa may soft spot ako para sa mga matatanda, Attorney is a pretty chill and loving old dude kaya naman magaan ang loob ko sa kanya.

"I told you, just call me gramps," paalala niya kaya tumango ako.

"Nasa kwarto pa po si Reika, ayaw bumangon. Si Magno naman nanghahalungkat ng ref," pabiro kong pagsusumbong dahilan para matawa siya. 

"Mga batang 'yon talaga." He shook his head. "Ikaw, ayaw mo ba talagang sumama sa amin?"

"Pasensya na po pero hindi po talaga ako pwede. May gagawin pa po kasi ako bukas," sabi ko na lamang. 

"Our future nurse." He chuckled. "Prepare yourself, malapit na ang duty mo sa ospital. You're going to encounter horrible things in that place."

"Wow, thank you so much for that," I said flatly.

"But of course, it's nothing you can't handle," pambawi niya sabay halakhak. Mukhang alam ko na kung saan namana nina Reika at Magno ang kabaliwan nila.


9am nang makarating sa club. Hindi gaya ng karaniwan nitong hitsura sa tuwing nagta-trabaho ako, 'di hamak na sobrang payapa ngayon ng buong lugar. Walang neon lights at edm music, ang naririnig ko lang ay acoustic songs mula sa naglalakihang speakers. 

The club is closed for the entire day due to the preparations. Bukas din kasi ang celebration ng anniversary ng club. It's a special event kaya kailangan talaga naming paghandaan.

Pumasok muna ako sa locker room upang iwan ang backpack ko. Bago umalis, kinuha ko mula rito ang wallet at cellphone ko. Sinadya kong magsuot ng denim jumper pants dahil mayroon itong front pocket kung saan pwede ko silang maitago.

Paglabas ko, nakasalubong ko si Maru na may dalang mga malalaking fake cobwebs. Ang aga-aga pa pero mukhang stressed na ito. Palibhasa siya ang nagsisilbing assistant ng siraulong si Cohen.

"Hey, how can I help?"

"Hey." He sighed. "How are you with ladders?"

"I climbed the roof with my grandpa once?" Napakamot ako sa dulo ng kilay ko.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon