Chapter 12 : Thanks

41.8K 2.7K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Talking to Tres used to confuse the hell out of me. I really liked talking to him but I just didn't know how to respond. However, as weeks passed by, our conversations became more frequent that next thing I know I have become comfortable with him. I guess I could say we have become friends.

"Shut up, Tres." I rolled my eyes, trying to stop myself from laughing at his stupidity.

"No, just hear me out!" Natatawa niyang giit. "Bike is short for Bichael just like how Mike is short for Michael," pagmamayabang pa niya sabay turo sa sentido.

Inilapag ko na lamang ang inumin sa harapan niya. "Just drink so you can leave."

"Hey, this isn't what I ordered." He frowned like a little kid upon realizing that I gave him juice. Cute.

"Give your liver a break," I said firmly. Lagi ba naman kasing pumupunta sa club sa tuwing free time niya. Saktong dumating na si Maru kaya lumabas na ako mula sa bar at kinuha na ulit ang notepad at ballpen ko.

"Apple Juice? Alam mo na talaga anong paborito ko." Sumabay sa akin si Tres sa paglalakad habang sumisimsim ng kanyang inumin. Akala mo talaga tutulungan ako eh mandi-distract lang naman sa trabaho ko.

"Go home. Maaga pa duty mo bukas." I reminded him.

"At ngayon alam mo na ang schedule ko?" He grinned. Cute talaga kahit mukhang tanga.

I looked at him flatly kaya naman nagtaas siya ng kamay at ngumiti na para bang isang inosenteng bata. "Oo na, uuwi na. Pero sino maghahatid sa'yo mamaya? 'Di ba nasa bakasyon sina Reika at Magno kasama lolo nila?"

"Mukha ba akong hindi marunong umuwi?" I asked.

"Mukha kang hindi marunong ngumiti." He grinned once again.

"Go home," I repeated and went on to continue my work.


When the clock struck 12, pumunta na agad ako sa locker ko para magbihis tutal wala na rin namang customer. Paglabas ko upang mag clock-out, nagulat ako nang makita si Tres at sa pagkakataong ito ay hindi siya nag-iisa.

I haven't seen Jethro ever since the accident kaya naman kahit papaano ay natuwa ako nang makitang okay na siya. May cast pa rin siya sa braso at nakasaklay pa rin pero at least iyon lang.

Sigurado akong si Cohen ang pinunta nila kaya dumiretso na ako sa paglalakad kaso biglang tinawag ni Tres ang pangalan ko.

"O?" tanong ko na lang.

"Dadaan-daanan mo lang kami na parang wala tayong pinagsamahan?" Bumusangot ang siraulong si Tres. Si Jethro naman, as usual, parang tanga lang na nakatayo. See, siya ang karapat-dapat na tawaging bato at multo! 

"Bakit?" Lumapit ako sa kanila.

"Gusto ka raw kasi kausapin nito." Ngumisi si Tres sabay turo kay Jethro na parang estatwa lang habang nakatingin sa direksyon ko. Kinilabutan ako bigla. 

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon