"Handa na ba ang gamit mo, Chastise?" tanong ni mama sa malamyos na boses.
Hindi pa ako nakakahilamos ay iyon ang pang bungad na tanong niya.
Matagal na namin ito pinag planuhan at nabigla ako ng tanungin niya ako tungkol dito.
We'll move out in papa's house. Hindi na namin kaya ang ginagawa niya sa'min. Buti naman at nakapag isip isip na siya.
Napagbubuhatan na ni Papa si Mama ng kamay at palagi siyang lasing kung umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganoon. Noong nakaraang taon ay ayos pa naman ang pamilya namin.
Parang bigla nalang silang nag away sa maliit na bagay, hanggang sa umaraw-araw na. Puno ang taon ko ng sumbatan at awayan at ang pinaka mabigat pa sa kalooban ay sumusobra na si Papa.
Minsan na niyang nasampal si Mama dahil lang sa hindi nagawa ni Mama ang utos ni niya. Hindi ko man aktuwal na nakikita pero sa mga pasa ni Mama ay klarong klaro iyon. Panlalait at masasakit na salita kay Mama ang palagi kung naririnig kay Papa. Gustohin ko mang awatin o patigilin sila hindi ko magawa. Naduduwag ako. Palagi akong umiiwas.
Hindi 'to ang nakasanayan ko. Hindi naman kami ganito dati.
Late na 'ko kung umuwi sa bahay o magpapalusot na maraming school works at mag oover night sa bahay nila Elaine. Kapag naaabutan ko silang nag-aaway ay lumalabas ako sa kwarto, lumalayo. Nag-papalipas oras sa park o kahit saan basta malayo sa kanila. Malayo sa maingay at masasakit na mga salita ni Papa.
"May hinanda na po ako nasa ilalim ng kama, ngayon na ba tayo aalis?" malumanay kung tanong.
Tinitigan niya ako ng marahan at huminga ng napaka bigat. Lumapit ako sa kanya at pilit pinagaan ang mukha.
Nakita kong may pasa siya sa kanyang braso kaya agad ko iyong hinawakan.
"Si Papa ba may gawa nito?" biglang kirot ang naramdaman ko ng hawakan ko iyon at nag iwas lang siya ng tingin sa'kin at umiling ng paulit ulit.
"Mama naman!" pinigilan ko man ang boses na tumaas ay hindi parin nagawa.
Biglang gumaralgal ang boses ko at parang may humarang na matigas na bagay sa lalamunan ko at hindi ako makalunok.
"Nasobrahan na ata ako sa kakatrabaho." wika niya sa magaan na tono. Pagpapalusot niya. "Hindi tayo aalis, Nak. Nag bago na ang desisyon ko. Baka may pag-asa pang mag bago si Papa mo. Baka makita niya rin ang halaga ko, yung halaga natin sa kanya." sabi pa niya sa impit na boses. Halatang pinipigilan ang luha.
Sa nakikita ko sa Mukha ng Mama ko ay nag mistulan na siyang katulong na minamaltrato ng amo dahil sa madungis at payat na pangangatawan.
Malayo na Sa Mama kung maganda at palangiti.
"Ma! Ayoko na! Kung ganito nalang lagi, Ayoko na! Alis na tayo dito." Tuluyan na ngang nag-unahan ang pagbagsak ng mga luha ko."kung gustong mag bago ni Papa ay sana ginawa na niya iyon matagal na."
Umiwas siya ng tingin sa'kin at pinunasan ang mukha. Umiiyak na rin siya.
Ang sakit! Ang sakit makitang nasasaktang ang Mama ko dahil sa sobrang pagmamahal kay Papa na wala namang ginawang maganda at puro pananampal at masamang salita lang ang lumalabas sa bibig.
"Hindi na tayo aalis, walang kasama Papa mo dito." humikbi siya, pilit pinipigilan ang paggaralgal ng boses. "Pano pag-aaral mo? College kana sa susunod na pasukan."
Humarap siya sa'kin na basa ang mukha dahil sa mga luha. Naawa na ako sa kanya. Awang awa na ako sa kanya. Sa pamilya namin.
"Ma naman eh! Mas importante pa ba sayo ang ibang bagay kaysa sa kalagayan mo?!" sigaw ko. Halong awa at pagka irita sa sitwasyon namin.