"What a freakin news! Is that true?" tanong ng isang pinsan ni Cyx.
"Boyfriend mo na iyan?" tanong ulit ng singkit na pinsan siguro nila Cyx dahil halata naman. Ang paningin niya'y na kay Cyx ngunit ang tanong para sa'kin.
Sunod sunod ang tanong nila ng mawala si Lola sa Sala at kami nalang ng mga Monzanto cousins ang nandoon at wari ko'y ang iba pang kalahi nila ay nasa kusina pa kasama ang kambal.
Hindi parin sila makapaniwala sa nalaman. Well, tsk! Ako nga rin e.
"Why so nosy Extremo?" natatawang tanong pabalik ni Cyx. Si Extremo pala iyang mahaba ang buhok, siya ang unang nagtanong kung totoo ba ang lahat ng narinig.
Hinarap ni Cyx ang mga pinsan niya. "Yeah, i think it's kinda sorta real.." sagot niya na nagpakunot sa noo ko.
"What do ya' think, My Quinn?"he whispered in cooed way. It gaves a literal vibration all over my body.
Natutop ako sa kinatatayuan ko at parang hindi ko na kayang igalaw ang mga paa dahil sa sobrang emosyong binigay ni Cyx.
What the fuck?!
Anong isasagot ko! Did he just called me his Quinn? Or shit!
"Whaaa! E, 'di magdiwang ang mga Monzanto ngayon! May binata nang totoo sa'tin." si Krypton nanaman.
Nagtawanan ang iba niyang pinsan, ang iba naman ay umapila sa sinabi.
"Ikaw lang naman ang hindi binatang totoo sa atin." natatawang wika nong singkit.
"Bading ka Krypton, 'di ba?" natatawang tanong ni Extremo.
"Tanginamo totoo!" si Krypton sa maliit na boses. May binatong unan na malambot ang isa niyang pinsan na mukhang Amerikano at sinaway siya sa pagmumura.
"No girlfriend since birth lang ako pero hindi na ako virgin kaya mas anggat parin ako sa inyo. You have no experience at all." maangas niyang pagyayabang.
"Aanhin naman experience mo kung wala naman nagkakagusto sa'yo?" banat ni Cyx sa natatawang boses. Agad ko siyang siniko sa sinabi. Parang ako ang nasasaktan sa pangbubully nila kay Krypton. Pinagkaka-isahan nila.
Tumingin sa kanya si Krypton ng matalim."Alam mo future Jowa.. Ano bang nagustuhan mo sa tukmol na Cyx na 'to?" kunot noo niyang tanong, narinig ko ang pag-angal ni Cyx sa sinabi ng pinsan.
Nagtawanan ng malakas ang mga pinsan niya dahil sa sinabi ni krypton. Siguro ganito talaga sila mag-asaran. Masyadong harsh.
Nag-aasaran pa ang iba niyang pinsan,I mean patuloy paring inaasar ng iba Si Krypton ng i-nexcuse ako ni Cyx para magbihis.
Hawak niya ang bag ko at sinamahan ako sa taas. Aangal na sana ako sa pagsunod niya kaso ay masyadong determinado ang mukha niyang makaalis sa nga pinsan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kwarto at ng aamba siyang papasok ay agad pumasaere ang kamay ko para pigilan siya.
"Hep!"
Kunot noo niya akong tinitigan.
"An Unauthorized person is not allowed here." I said, nakataas ang kilay kong sinalubong ang kunot noo niyang mukha.Natigilan siya sa sinabi ko at ilang segundo lang ay natawa siya. Kagat ang ilalim na labi ay tumango siya ng tatlong beses.
"A'right. I'll just wait here, then." inabot niya sa'kin ang bag ko.
"Please don't wear sleeveless shirt or sando." hindi nakatakas ang pagmamakaawa ng boses niya. "And I guess a very large and long pajama will suit you very well."