kabanata 17

127 12 0
                                    









         Cyx_M  and 300 people has a request to follow you.

Unang bungad sa Cellphone ko ng buksan ko iyon. Follow request sa Instagram  ko dahil nakaprivate iyon. Nasa Baywalk ako ng San Vicente kasama si Kuya Jonathan at kuya Thon. Sabi nila'y  nasa food court ang mga kaibigan nila, at ang food court ay nakaharap sa karagatan ng San Vicente.

Sinadya kong hindi buksan ang cellphone ng buong araw. Last night I've reminded Cyx that I'd be busy today and he also need to focus on his work there. Ngunit tumawag ulit siya sa'kin kagabi at nagkwento sa nagyari sa araw niya. He told me he's trying to make another design pero hindi siya makagawa. I sensed that he has a problem ngunit sabi niya'y wala naman.

At may naring rin ako sa linya namin habang nagsasalita siya, tinig ng isang babae at may Tinatawag Sir Veltron Monzanto. And I heard she says that the meeting was already started and the Veltron Monzanto need to go there. Ilang minuto pa ang tinagal ng usapan namin. Nangulit pa siya sa'kin sa dapat kung suotin kinabukasan, ngayong araw na iyon. Sinabi kase ng mga pinsan niya na may dinner silang magbabarkada dahil sa pagbalik ng dalawang pinsang Monzanto galing UK.

"Uno's my cousin and he's good but don't try to talk to him. He's kinda grumpy. And Alab is good also but her attitude is like her name." pagkukwento niya kagabi sa mga pinsang galing abroad.

As if naman na makikipag-usap ako sa dalawa. Pero mabuti na iyon at nabigyan niya ako ng impormasyon sa pinsan niya at aware ako ng kaonti sa ugali nila.

"Pero they will like you anyways.. Ayaw ko sanang ipaalam ang tungkol sa'tin ngunit masyadong madaldal si Krypton. alam na nilang lahat na girlfriend kita." napabunting hininga siya."A-alam narin ng parents ko. Sorry." may kung ano sa tono niya ng bigkasin niya ang huling mga salitang iyon.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinabi niya. Some part of me felt flattered and at the same time uneasy. Napag desisyonan ko kagabi na umiwas sa kanya at hindi ko maexplain kong bakit ko iyon naisip ngunit ng sabihin niyang halos lahat ay may alam tungkol sa'ming relasyon na wala namang katutohanan ay parang nakaramdam ako ng kamalian doon.

Ang tanging tugon ko lang ay ang katutuhanan. "Ayos lang naman sa'kin kung iyon ang iniisip nila. Basta alam natin na wala naman tayong relasyon. Hindi ba?" pagbibiro ko.

Napabuntong hininga siya ng malalim."A'right wait for me 'till I back." iyon lang ang sabi niya sa medyo supladong tono at pinatay ko na ang cellphone ko.

Three weeks pa kaming hindi magkikita. Siguro naman ay sapat na iyon sa'kin upang pakiramdaman ang sarili sa mga bagay na gumugulo sa'kin. At sa loob ng three weeks ay susubukan kong walain iyon. Walain sa isip si Cyx. Kung kailan siya umalis ay doon ko nalaman na nagugustuhan ko na pala siya at ayokong maattach. Siguro ito ang dahilan kaya gusto kong umiwas.

I didn't check my Instagram. In that way makakaiwas ako sa kanya.

Nang makarating na kami sa food court ay sinalubong agad ako ni Green. Andoon lahat ng ang mga Monzanto at si Coach. Parang meeting lang sa basketball nila. Barkada narin pala nila si Coach ah.

"Chastise! Dito ka sa tabi ko." masayang wika niya at hinawakan ang kamay ko upang igaya sa upuan malapit sa kanya.

Late na kaming nakarating kaya kapansin pansin ang pagdating namin. At kapansin pansin rin ang bagong mukha sa grupo.

"You must be the girlfriend of my baby boy." malmadong ani ng babaeng na ang buhok ay kulay ginto na may halong kahel. Nasa tabi siya ni Green at obvious na saakin niya pinahiwatig ang sinabi.

She must be Alab. She's pretty. Her face is very westernized. Amerikanang amerikana ang mukha niya.

"Uhm.. Hi, I'm fire Monzanto. You're?" ngayon ay ang buong atensiyon niya'y na saakin. Nilahad niya ang kamay niya at ngumiti. Lumabas ang biloy niya sa ilalim ng lips niya.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now