kabanata 40

127 9 1
                                    


Gusto ko lang ipa-alam sa inyo, I am just a newbie here at trip ko lang gumawa ng story. Marami pong mali dito at it-try ko pong edit asap. Kung hindi mo nagustohan ang story ko ayos lang. Basta ako masaya ako char! Kung makaabot kaman dito, salamat. Kung hindi naman, salamat parin. Hehe



This is the last POV of Chastise next chapter will be the wakas.

"Chas, kumain ka muna.." rinig kung wika ni Elaine sa tabi ko. Nilahad niya sa akin ang isang pinggan na puno ng pagkain.

"Wala pa bang reply sa'yo si Gino?" halos mawalan na ako ng lakas habang sinasambit iyon.

Nakita kong nanalatay sa mukha ng kaibigan ko ang awa sa akin.

"Chas,  kain ka muna..  Sabi ni Tita Bell minsan ka nalang kumain.. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo, susubukan kung kulitin si Gino."

Halos isang linggo na akong pabalikbalik dito sa condo nila Elaine upang makasagap ng impormasyon tungkol kay Yttrico. Simula noong nakita niya kami ni Cyx sa ganoong lagay ay agad siyang umalis at hindi na nagpakita.

I messaged Tita Lucy already, she told me she doesn't know her child's whereabouts. Simula nang nadischarge siya sa ospital last week ay hindi na raw nagpakita ang anak sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang makita si Yttrico, gusto kung mag-explain, at gusto ko rin na aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

Sana naman hindi niya ako pag-isipan ng masama sa nakita niya, ni ako ay hindi ko aakalaing gagawin iyon ni Cyx sa akin. I am afraid to the hell that Yttrico might not give me a chance to explain my side. Natatakot ako na baka mangyari rin sa akin ang karanasan ni Cyx na ginawa ko sa kanya.

Ngayon ko lang rin napag-isip isip na talagang napaka unfair ng ginawa ko kay Cyx, I understand if he's going to loathe me 'till I die. Elaine explained to me what was happened four years ago. Ang sabi niya'y nilasing niya si Cyx at ginamit upang pagselosin si Gino. Halos magwala si Cyx ng halikan siya ni Elaine at baka nga nabalian na ng buto ang kaibigan ko kung hindi lang naawat si Cyx.

"May Girlfriend ako Elaine! Tangina! Ba't mo ako hinalikan?! Tangina huwag mo akong idamay sa kalandian mo!!" pag-kikwento ni Elaine sa akin, sa lahat ng sinabi ni Cyx sa kanya noon.

"Damn you! Don't fucking do it again. Hindi ka pa ba magbabago?  Ilang taon ka nang malandi at  hindi ka pa rin nauumay?! Kung sino sino nalang ang hinahalikan mo! Fuck!  Huwag lang sana 'to malaman ng girlfriend ko,"

"Oh common Cyx! Ang tulad mong Monzanto ay may tinatago ring kati.. Huwag kang mag stick sa isa lang, mas masaya kapag marami."

"Bobo ka ba?! Ikaw rin ang nagsisira sa sarili mong dignidad! Kung nasasayahan ka sa ugali mong 'yan then I'll tell you this frankly.. Nakakahiya ka! Magbago kana, kababae mong tao mas makati ka pa sa alipunga."

Lasing na lasing na raw si Cyx noon ngunit hawak parin ang katinuan. Marami ng umawat sa pagwawala niya. Noong gabi rin na iyon ay gustong gusto ni Cyx na umuwi sa San Vicente ngunit pinigilan siya ng mga magulang niya.

"Medyo natatawa pa ako, dahil sobrang OA talaga ni Cyx at that time, umiiyak at talagang nagwawala but one thing I've realized from him, he really really love his girl, he wouldn't shout me that hurtful words on me if he doesn't love his girlfriend and I wasn't aware that you were his girlfriend back then. Ngayon ko lang nalaman, Tangina! Kung alam ko lang, ni hindi nga dadapo ang kamay ko katawan niya. I beg for sorry kasi sobrang takot na takot siya sa ginawa kong paghalik at pinagsisihan ko naman iyon."

"Doon rin nagsimula ang pag-aaway namin ni Gino, nalaman niya rin na buntis ako and for sure alam na alam niya na hindi siya ang ama ng anak ko dahil wala pa naman nangyari sa amin.   Nakipaghiwalay siya sa akin."

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now