Tahimik at nagmistulang hindi makabasag pinggan ako sa tabi ng Coach nila kuya Jonathan habang naghihintay sa laro nila. Ilang minuto na ako dito sa upuan at sila naman ay naghahanda na sa kanilang mga sarili para sa laro.
Masungit ang mukha ng coach nila habang masuring nakatingin kila kuya Jonathan. Iyong lalaking blue eyed naman ay hindi ko na alam kung nasaan na at hindi rin naman na ako nagtangka pang hanapin siya kung nasaang sulok man siya ngayon.
Nagsimula na ang laro at nakita kong nagdagsaan na ang mga tao dito. 'Yung iba ay mayroon dalang tarpaulin na may mga pangalan na Mavro Monzanto at Dutch Monzanto. Tapos iyong iba naman ay Monzanto lang ang nakalagay sa banner nila.
'Yung iba naman ay sinisigaw ang pangalang Monzanto. Hindi ko sure kong Pangalan ba ang Monzanto pero feeling ko Apelyido 'yun. Dumb! Obviously it's a surname!
"Goooo kuya Jonathan!" sigaw ko nang nagsitipon na sila.
Agad naman siyang napalingon sa'kin kahit na pinangingibabawan ng ibang ingay ang aking boses sa loob. He gave me a finger heart na nagpahiyaw sa buong Plaza.
Halos mga babae ang nanunuod ngayon.
Nang napaku ang paningin ko kay Kuya Thon ay nakasimangot siya sa'kin at mukhang may hinihintay. Tinaasan niya ako ng kilay at sumigaw ng walang boses.
"Where's mine?" base sa pagbasa ko sa bibig niya.
Napatawa ako, tss! Inggitero!
"Go Kuya Anthon! Galingan mo!!" sigaw ko. Kinindatan niya ako bago kinuha ang bula na kasalukuhang dini-dribble nung mahaba ang buhok na mukhang Amerikano at shinoot iyon, sapul agad sa ring.
Narinig ko naman ang angil ng katabi ko. Si coach!
"Tsk! Puro papogi!" hindi ko nalang pinansin dahil natatakot akong lumingon sa kanya. Ang sungit masyado.
Hindi pa nagsisimula pero kunting minuto nalang siguro ang hihintayin namin. Ang kalaban nila ay mismong taga dito sa Llorente base sa nakasulat sa jersey sa damit nila. Sila kuya Jonathan pala ang dumayo.. Pwede pala 'yun. Akala ko school tournament 'to.
"We love you Monzanto Cousins!!" sigaw noong grupo ng mga babae sa kabilang upuan. Mayroong banner sila na tanging Pangalang CYX na capital letters ang nakasulat doon, Pamilyar ang pangalang 'yan. Parang narinig ko 'yan kanina pero hindi ko sure kung saan, baka pamilyar lang pero hindi talaga.
Ang Sikat naman ng Monzanto na ito. Halos iyang ang nakalagay sa mga banner ng mga babae dito.
Nag-announced na namagsisimula na ang first game ng laro, agad naman umalis 'yung Coach nila sa tabi ko at pumunta kila kuya Thon.
May tunuro-turo iyong coach nila na hindi ko naman maintindihan. Basta siguro para sa gagawin nila sa laro mamaya.
Nabigla ako sa kinauupuan ng may kumalabit sa balikat ko na agad ko namang nilingon.
Magandang babae ang nahagilap ng mata ko sa likod, nakangiti niya ng kaswal sa'kin.
"Uhm... Dito ba 'yung upuan ng Coach noong mga Monzanto at Vergara?" Tanong niya sa'kin.
Hindi ko alam kung sino 'yung Monzantong tinutukoy niya pero kilala ko ang mga Vergara. Apelyido iyong nila Kuya Jonathan, Actually middle name ko.
Napatitig ako sa kanya dahil may binubuong katanungan sa'king isip nanaman para mamaya sa pinsan ko.
"Uhmm... 'yun!" turo noong babae sa coach nila kuya Jonathan. "Dito ba siya nakaupo?"
Tumikhim ako at umayos ng upo. Tumango ako sa kanya ng dalawang beses.