Kabanata 7

177 16 0
                                    

"Kambal, Ang tatanda niyo na. ganyan parin kayo! Hindi ba sinabi ko na magpapaalam kayo kahit saan kayo pumunta." bakas ang sobrang pag-aalala sa boses ni Lola Betty.

Hindi pala alam ni Lola na aalis sila Kuya Jonathan at Thon at mas lumala pa dahil kasama ako.

Dati paman ay ayan na ang pinaka ayaw ni Lola Betty. Ang hindi magpapaalam. Hindi ko alam kung ano ang bumara sa utak ng kambal na 'to at hindi nila nagawang mag-paalam.

"Sorry po Lola.." tangin sambit namin.

Kanina ng dumating kami ay agad akong dinaluhan ni Mama at yumakap sa'kin ng mahigpit. Naguilty tuloy ako ng sobra. Ni paghawak sa cellphone ko ay hindi ko nagawa. Tsk!

Alam ko naman kung bakit sobra sobra nalang ang pag-aalala ni Mama sa'kin. Dahil ako nalang ang mayroon siya sa pamilya namin. Ako nalang ang kaisa-isang bagay para sa kanya. Kaya kahit natapos na si Lola sa pagsisermon at natapos narin kami kakasorry ay nababagabag parin ang isipan ko sa ginawa.

Nasa kwarto ako ngayon ni Mama at mahigpit na nakayakap sa kanya. Mabini niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang malambot niyang kamay. Hindi ko na mabilang kung ilang sorry na ang nasabi ko basta gusto ko lang magsorry.

Siguro dahil narin iyon sa mga ginawa kong nitong nakaraan. Naging pabaya ako, walang pake sa bahay at sa kanya. Nakaramdam rin ako ng inis sa kanya noong palagi ko siyang tinatanong kung kailan kami aalis sa bahay at tanging sagot niya ay "Antayin muna nating magbago ang Papa mo" na sobrang labo naman mangyari. Ang ganoong tao ay hindi na kailangan pang antaying magbago. Kung magbabago man si Papa ay dapat matagal na niyang ginawa iyon.

"Alam mo ba anak.. Dumalaw kami kanina sa bukid." Malumanay na usal ni Mama. Hindi ako gumalaw, gusto kong makinig sa kwento niya habang nakayap sa kanya ngayon.

"Marami bang kalabaw doon Mama?" tanong ko ng maalala nanaman ang kalabaw.

Naramdaman ko ang pagbungisngis niya.

"Hmmm mayroon pero hindi naman gaanong marami."

"Alam mo ba kung ano ang marami doon?" tanong niya sa'kin.

Nag-isip ako ng isasagot at ngumisi naman sa ideyang pumasok sa utak ko.

"Hmm mga Magsasaka?" sagot ko ng patanong.

Kung kanina ay bungisngis lang ang nagawa niya ngayon naman ay malakas siyang napatawa.

"Syepre naman, mayroon talaga doon pero iba ang nakita ko." she explained.

Eh ano ba?  Hindi pa naman ako nakapunta sa bukid.

But I tried to answer again. Siguro naman ay tama na ako this time.

"Alam ko na kung ano!" aniko at inangat ang paningin sa kanya. "Mga Aswang!"

Ngayon ay sobra sobra na ang tawa ni Mama. Kung si Elaine 'to at tatanungin niya ako tapos tawa lang ang sagot siguro ay nabatukan ko na ito, pero kasi si Mama ko 'to. Madalang nalang 'to tumawa at nakakatuwa dahil nagagawa ko siyang patawanin sa kaignorantehan ko.

"Saan kaba nakakalap ng mga ideyang iyan, Anak? Hindi totoo ang mga aswang." sagot niya. Natatawa parin.

"Maraming kaming nakitang mga kabayo doon." pagsagot niya sa tanong niya.

Kabayo lang pala! Kung saan saan napunta sagot ko.

"Bukas ay pupunta ulit kami at isasama na kita."

"Bakit hindi mo ako ginising kanina? Sasama sana ako eh!" pagmamaktol ko.

"Ang himbing kasi ng tulog mo at alam kung pagod karin sa byahe."

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now