"Oh siya tara na!" sita ni Miss Cara sa pinsan niya.
Na saakin parin ang tingin niya at ako naman ay parang istatwa sa harap niya.
"Di ba sabi mo mali-late kana?! Tara na!" natatawang usal pa ulit ni Miss.
Huling tingin ng lalaki saakin at tuluyan na nga siyang tumalikod. "You awe me for that, I kind of hungry give me some Bucks." rinig ko pa ngunit medyo hindi na klaro para maproseso kung ano pinag-uusapan nila.
Pinagtatyagaan kung tapusin ang school work ko. Kahit sobrang na fufrustrate na talaga ako. Sising sisi at bakit business ad pa ang pumasok sa utak ko.
Panibagong araw kinabuksan ay nararamdaman ko na ang tuktok ng kaligayan dahil malapit na akong matapos sa ginagawa ko. Paminsan minsan ay nililisan ko ang kwarto ko para bantayan si baby. Isang beses na gulat ako si kuya Anthon nag-aalalaga kay baby, Si mama naligo at si Martes naman ay nasa maganda ang posisyong nakahiga sa sofa namin. Muntik na akong magsisisigaw sa nakita buti nalang at napigilan ko. Dilekado kay kuya Anthon iyon. Tss!
Dumating ang araw ng byernes at heto kami sa labas ng bahay. Aalis na si Miss Cara at kuya Anthon patungo sa napiling lugar ni Miss.
I wonder if she knows everything here? Ayon sa kwento niya saakin about background niya. She was sixteen when their family moved here in America because her Dad is living here. At dito na siya nagtapos ng pag-aaral.
Bumalik kaagad ako sa bahay para tapusin na ang trabaho ko sa scuela. Kagabi ay natapos ko na nga lahat. Kaya rereviewhin mo na lang ngayon araw.
"Ma'am,.. breakfast." bungad ni Martes sa hamba ng pinto. Nakangiti siya at tinuro ang kusina.
Tumango ako at tumungo na sa kusina. Kumakain na si Papa at Mama doon. Si Baby Hardin ay natutulog sa bisig ni Mama. She's eating while carrying my brother.
"Ma! Akin na si Baby, ako muna magbabantay. Kain ka muna." sabi ko.
Halatang medyo nahihirapan siya kaya naman ay tumango siya. Agad naman akong lumapit. Dahan dahan kung kinuha si Baby Hardin, papalapit palamang sa akin ay medyo nakakunot na ang noo ni Baby at parang maiiyak na.
Oh! Ayaw talaga niya saakin. Tsk! Maingat kong kinuha siya kay Mama at sa kabutihang palad ay napaamo ko siya. Hindi siya umiyak sa akin at Nagpatuloy siya sa pagtulog.
Hay! Buti naman.
Nasa sala ako at doon nag-antay kay Mama. Ilang minuto kong binuhat at henele si Baby dahil kahit kunting galaw lamang ng kamay ko papalapit sa mukha niya ay agad itong simisimangot. Gustong gusto kung ipitin ang mukha niyang namumula. Nakakagigil sa sobrang cute pero hindi ko iyon magawa kasi napaka sensitive ni Baby Hardin saakin. Hindi naman siya ganito kila Mama at kuya Anthon. Nakikipag tawanan pa nga 'to kay Kuya pero saakin ayaw talaga.
Nasa kwarto ako at busy sa laptop ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ng tumatawag.
Si Miss Cara iyon. Ikalawang tawa na niya ito. Hindi ko napansin ang una. Agad kong kinuha ang cellphone at sinagot iyon.
"Hi, Chastise uhm.." unang panbungad niya sa kabilang linya.
"Hi, Miss Cara.... Napatagwa ka?"
"Uh.. May kulang kasi sa gamit ni Anthon," sabi niya sa marahang pananalita.
Prepared na iyon lahat kagabi. Pinaalala ko pa iyon kay Martes. Tss!
"Nasa sala niyo iyon. Hindi nalagay ni Martes. Uh.. I texted my cousin, siya nalang ang pinapakuha ko baka paparating na siya diyan."