Tanghali na ako nagising kinabukasan. Suot ko iyong paborito kong pantulog na terno na may print ng mukha ni Sponge Bob, hindi na ako nag-abalang magbihis pa.
Nang lumabas ako sa kwarto nakita ko sa baba sila kuya Jonathan at kuya Thon. Ampon ni Lola Betty. Mga kalaro ko sila dati pagpumupunta sila sa bahay pero ngayon mga binata na sila at ang tatangkad na.
"Oh Quinn.. Breakfast kana." nakangiting paunang bungad ni kuya Jonathan.
Tumango ako habang papababa sa hagdan. Tumingin ako kay kuya Thon na antok ang itsura. Ganito na talaga siya dati pa. Tss!
"Good morning mga kuya."
Kuya Thon looked at me with sluggish mood.
"Morning." he geeted me lazily.
"Good morning din." Si kuya Jonathan sa masayang boses.
Halata ang pagkakaiba nitong dalawa. Napaghahalataang tatamad tamad si kuya Thon medyo mataray din, at si Kuya Jonathan naman ay masigla At approachable.
"Nagluto si lola ng champorado at itlog, May gatas din. Kain kana." si Kuya Jonathan.
Ngumiti ako at ginala ang paningin.
"Where's Mama?" tanong ko sa kanila ng mapagtantong kami lang ang andito.
"Ah.. Nasa bukid, dinalaw lang iyong dating mga kakilala. Kasama pala niya si Sir Aris." what?! Bakit hindi ako ginising?!
Napasimangot ako bigla sa narinig. Tss!
"Magtatagal raw ba sila doon?" tanong ko ulit.
Kuya Thon stood up and walks towards the door. Nakasout siya ng basketball Jersey na terno at gayon din si Kuya Jonathan.
"Hindi ko alam. Walang sinabi eh." kuya Jonathan answered.
"Than, sigurado kabang pupunta 'yun dito?" kuya Thon interrupted us.
Hindi ko pala nasasabi sa inyo, kuya Jonathan and kuya Thon are twins but i would say they're very different from each other, Kung sa ugali babasehan.
Kung sa looks naman ay parehas sila ng mukha pero mas malinis tingnan si Kuya Jonathan. Maputi silang dalawa at si Kuya Jonathan ay walang kahit anong galos ata sa katawan. Malinis.
Si kuya Thon naman ay may tattoo sa leeg. Pang arabo ang ginamit na words at nakasulat vertically. May piercing din siya sa left ear. Mataray at parang pili lang ang kinakausap. Nakikita ko sa kanya iyong paboritong kpop idol ni Elaine, si Teayang sa bigbang. Ganoon 'yung itsura ni Kuya Thon. Kumi-kpop din pala sila dito sa probinsiya.
I heard a hard beeps outside kaya napatingin ako doon. May itim na sasakyan ang pumarada sa tapat ng bahay nila Lola. Baka sila Mama na 'yun.
Lumabas si Kuya Thon at ako rin para makita kong sila Mama na nga ngunit nabigla ako ng lumabas ang isang grupo ng lalaking naka suot ng jersey din na katulad ng kila kuya Thon. Sa tanya ko ay anim na lalaki ang lumabas at parang mayroon pa sa loob isa, Driver ata nila.
Maingay sila at nagtatawanan ng pumasok sa gate nila lola.
"Fuck! Alam mong masarap pagsagad! Tangina heaven 'yun pare!"
"Gago! Huwag kang magyabang hindi kapa nagkaka jowa!"
"Gago ka rin! Wala nga akong jowa at least hindi na ako virgin. eh kayo! Mga tang Ina niyo mga virgin pa! Ang tatanda niyo na!"
Damn that mouth!
Agad namang sinalubong ni kuya Thon iyon, Mga barkada ata nila ni kuya Jonathan. They do the bros greeting gestures, a one-armed bro hug with a doubleback slap. Ang cool nilang tingnan.