kabanata 37

72 8 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tinulak siya papalayo sa akin. I wiped my tears and sighed heavily.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nalilito kasabay ng malakas na pagtatambol ng puso ko. Sobrang nanghihina rin at nanginging ang tuhod ko.

I actually don't know the answer to his question. Basta ang alam ko lang ngayon ay natatakot ako at hindi pa ako handa. I am trying to heal ngunit ng dahil sa kanya ay mas lalo akong nahihirapan.

"Umuwi kana." mataman kung usal, hindi parin makatingin. I eyes darted on my feet and my hands are on my back scared of his touch.

"Hmm.." he moans.

Sa paragkarinig ko palang noon ay agad na akong Pinangilabutan. Damn it! Ito ang hindi ko talaga ma explain! I always feel something very strange when I am with him but my damn Heart wants it.

"Sige.. Uh, Good night." Napabuntong hininga siya at dahan dahang tumalikod.

Napakagat ako sa aking labi. Bakit bigla akong Nakaramdam ng lumbay ng talikuran niya ako?! Bakit ganoon nalang ang epekto niya sa akin? Bakit kakaiba? Natatakot ako dahil nadadala ako sa nararamdaman ko. Tangina!

"Noong g-gabing iyon.. Gusto mo naba ako noon kaya mo ako hinalikan?"

Sa tanong kong iyon ay bigla siyang napabaling sa akin. Nangunot ang noo niya at napakagat sa kanyang mga labi. Marahan siyang tumango.

"You've got no idea about my feelings to you." sabi pa niya at tumalikod ulit but this time mabilis na dumapo ang kamay ko sa kanya upang pigilan siya.

May paninimbang ang titig niya sa akin. Ako naman ay medyo kinakabahan. "Gusto mo bang malaman ang nararamdaman ko ngayon?" I said with a calm voice.

Napakagat siya sa kanyang mga labi at tumango ng marahan.

"I'm scared." sambit ko.

"But do you really meant what you've said awhile back? Handa mo ba akong tulungan sa pagbuo ng sarili ko?"

Heto nanaman ako! Kay dali dali kong magtiwala! Kay dali dali kong mahulog sa patibong!

"Hindi ka ba natatakot na baka mawasak mo lang ako? O hindi ka ba natatakot na baka hindi ko masuklian ang kagandahang loob mo? Sumagot ka... Gusto kung malaman?!" Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko ngunit pinipigilan kong maiyak.

"Hindi!" simpleng sagot niya.

"Wala kang ideya sa lahat ng bagay na naipaparamdam mo sa akin. Wala. Unang kita ko palang sa iyo ay may kakaiba na akong naramdaman, palagi akong pumupuntang grocery store para makita ka but you're aloof and unfriendly. Palaging masama ang paninging binibigay mo sa kahit kanino. I tried to approach you but you're so high and hard to reach. Kung naaalala mo pa isang gabi sa Mary divine park, Umiiyak ka noon at nilapitan kita. Binigyan kita ng panyo ngunit hindi mo tinanggap."

Noong mga unang buwan ko palang dito sa america, halos gabi gabi ako roon sa park. Damn! Hindi ko inaasahan.

Napaangat ako ng tingin at hindi makapaniwala.

"Yes, It was me. Pinakingggan ko ang lahat ng problema mo. Lahat alam ko. Ilang beses na tayong nagkita ngunit hindi mo pa ako makilala o hindi mo manlang ako namukhaan. Sa pilipinas palang ay kilala na kita at ikaw ni hindi mo manlang maala ala ang pangalan ko, lahit pinakilala na ako ni Elaine sa'yo."

Nakaramdam ako ng hiya at kagaanan ng loob. Siya pala iyong lalaking palagi kung nakakusap sa park. I told him everything about my problem, kasi wala talaga akong mapagsabihan at naisip kong mas mabuting mailabas ko iyon sa hindi ko kilala at noong oras na iyon ay siya lang ang kasama ko sa park. He handed me his neckerchief but I didn't accept it. Bagkus ay umiyak ako lalo at sinabi sa kanya ang nararamdaman. Akala ko amerikano siya kaya ganoon nalang ang lakas ng loob kong magsalita ng tagalog.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now