2020 na gosh! Hahaha
Pagkauwi namin sa bahay ay saktong pagkarating rin ni Mama, kasama niya si Aris.
"Hey!" bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at halatang pagod.
"How's your day?" tanong niya.
"Good. Pumunta akong bukid at sumakay ako ng kabayo." pagkikwento ko sa ginawa kanina.
Tumango tango siya at halatang nagalak rin siya sa narinig.
"Ikaw?.. Kayo ni Mama kamusta ang lakad niyo?"
Kasalukuyang nasa kusina si Mama kasama si Lola betty upang mag handa ng dinner. Inanyayaan narin namin na dito na si Aris kumin at halatang hindi siya makatanggi dahil siguro gutom narin siya sa byahe nila ni Mama.
"Masaya.. We got to see our batch mates back when we were in high school."
Siguro masaya talaga na makita muli ang nga dating kakilala lalong lalo na kung kaklase mo pero para sa'kin ay hindi ko na papangaraping makita pa ang mga kaklase ko noong high school ako. Magkaiba ang ugali ng mga estudyante noon at ngayon. Kung noon ay solid sila kahit man magkahiwalay nang ilang taon ay naroon marin ang magandang samahan ngunit ang saaking henerasyon ay halos kalandian lang ang alam ng nga estudyante. Kung mayroon pa man tulad ng kila Mama siguro ay bilang nalamang iyon ngayon.
Madami pa akong tinanong kay Aris ngunit natigil lang iyon ng tawagin na kami ni Mama upang kumain.
Sa hapag habang kumakain ay napag-usapan namin ang kamalig na ginagawa sa bukid.
"Sasamahan ko ulit si Lola bukas sa bukid, Mama." wika ko. Kuweninto ko sa kanina ang karanasan ko ng pagkuha ng kamote.
"Ang kulit ng kulay noong kamote, parang ube pero hindi. When I first saw it I thought it was Ube, nakipag talo pa ako kay Lola na Ube 'yon pero kamote pala talaga." natatawa kong sabi. Nagtawanan rin sila.
"Bukas naman mangunguha tayo ng kalabasa, Apo."
Ngumiti ako, nag suggest si Mama na magluluto siya ng masarap na pinakbet bukas.
"Nako, anak masaya talaga dito sa probinsiya. Lahat ng hindi mo pa nagagawa doon sa syudad ay magagawa mo na dito. Lahat ng hindi mo pa nararanasan, ay mararanasan mo dito."
Tuwang tuwa siya sa mga nalaman tungkol sa'kin. Isinali ko na rin kasi sa pagkikwento ang pagbalat ko ng buko. Kahit medyo mahirap pero nakakatuwa. I was barehanded when I did it.
Natapos ang kainan at ilang oras lang rin ang tinagal ni Aris dahil hinahanap na siya ng anak niya. mag-isa akong nakaupo sa sala habang kinukulayan ng color black na cuticle ang kamay ko.
"Ano ba ang problema nanaman?!" a rugged tone from a very familiar voice entered my ears.
Sumilip ako sa bintanang salamin upang makita kung sino iyon. Nakatayong namamaywang habang ang isang kamay ay hawak ang cellphone na kasalukuyang nasa tainga ay mukhang galit o naiiritang si Kuya Thon.
Kakauwi lang niya. Saan ba siya galing? Gabi na ah!
Ah.. Baka kasama niya si Green.
"Look Green.. Hindi ko obligasyon ang problema mo! Pwede ba! Kung may problema ka hindi ako ang makakatulong niyan kundi ang sarili mo! Huwag mong sirain ang araw ko!" naiinis niyang wika.
Halos magsiputukan na ang ugat niya sa leeg dahil sa sobrang iritasyon.
"Oo. Bakit?! Nagkita kami ni Divine. Ano naman sa'yo ngayon?" hinawakan niya ang kanyang sentido at marahang minasahe iyon.