kabanata 29

78 9 0
                                    



        

         I'm on my way to central Market, it's actually near our house. Kaya nilakad ko nalang.

Balot na balot ako dahil sa klima ng panahon dito. Halos mabalot na ang buong palid ng snow pero I am enjoying my walk.  Noong bata ako, pangarap ko talagang makakita ng snow and this is a dream come true. This gave me joy and it helps lessen the heavy burdens inside me.

Pumasok ako sa grocery store at nagsimula ng maghanap ng bibilihin. Una kong tinungo ang pinakaimpurnante sa lahat iyon ay ang gamot ni Kuya Thon.

Pagkatapos noon ay nagsimula na akong magliwaliw sa mga bagay pangkusina. I made sure na nasa stroller ko ang kiwi syrup at black coffee, na paborito ni Papa. It's kinda weird taste but well.. wala akong magagawa, we have different taste buds.

Karne at mga can goods na swak sa budget ko ang binili ko muna. Maayos naman ang trabaho ni Papa, malaki ang kita sa project ngunit kahit ganoon paman ay sensitive parin ako. Siya lang ang pinagkukuhanan namin ng pera at wala ng iba. Sa bayaran ng medication ni Kuya Thon at Mama. Sa pag-aaral ko,  buti nalang nakuha akong scholar sa company na pinagtatrabahuan ni Papa kaya medyo nabawasan ang problema namin sa pag-aaral ko. At muntik ko pang makalimutan, si Papa rin ang sumasagot sa pagpapaaral ni Kuya Jonathan sa pilipinas ngayon. Next schoop year ay lilipat na siya dito. Dito na muna kami titira.

I check the things I am about to buy. Medyo puno na ang lalagyan sa iba't ibang uri ng dilata, mga gulay at tinapay. Pwede na siguro ito.

Ngunit sa paglalakad ko patungong cashier ay napadapo ang paningin ko sa linya ng mga prutas. Bigla kong naalala si Mama, sa pinagsasabi niya kaninang watermelon. Tsk!  Wala na ngang pera humihirit pa,  buti sana kung tumatanggap kami ng pera galing kay Jam. The heck! Mamamantay nalang kami sa gutom, hinding hindi kami tatanggap ng tulong sa kanya pwera nalang kung magpaka tangga pa si Mama.

Sa case ni Mama at Jam. Napagkasunduan ng magkabilang  side na, hindi kami magsasampa ng kaso kay Jam ngunit hindi siya maaaring lumapit kay Mama. Si Mama ang may desisyon ng ganoon. But the paper said that if the baby step on the legal age that's the time he'll choose his side. Kung sa Mama ko ba o sa Papa niyang si Jam.

I don't care kung saan niya gusto basta habang nasa amin siya ay makakatikim ang batang ito ng matinding pagsubok sa'kin. I'll be his strict beautiful sister. Sisiguraduhin kong hindi siya magagaya sa Papa at Mama niyang manloloko. Tss!

I love Mama but I am still healing. I am still into process of forgiving her. Ang alam ko sa ngayon ay ang galit ko ay nasa isip at puso ko parin.

But time will come, magiging maayos rin ang relasyon namin ni Mama. And the baby inside her tummy is my little brother. Masakit man ang lahat nang nangyari, tanggap ko parin siya. He's innocent for pete's sake. Tulad ko rin siya.  Isang gabing pagkakamali. ang pinagkaibahan nga lang ay mahal ni Mama si Jam habang binubuo si Baby. Ang parte ko, si Papa lang ang nagmamahal kay Mama habang binubuo ako. Okay lang naman, sanay na ako sa sakit and that's the reality. Fact of my life.

I saw a watermelon on the fruits storage, I picked one and put on the strolly. Tapos na ako sa lahat.

Nga lang, heto nanaman ako,
my damn eyes looked on the other side where the beauty thingy were placed. Mga pampaganda, make ups and lipsticks.

Simula ng tumira ako dito sa america hindi na ako nagkainteres sa mga bagay pansarili. Mas inuuna ko ang mas may halaga at mas makakatulong kay Mama at kuya Thon. May mga nakilala rin akong tao sa ospital at kapit bahay na kaedaran ko lang, halatang halata ang layo ko sa kanila. Mga di-kolorete ang buong katawan. Well, buhay nila iyon,doon sila sasaya at marami silang pera.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now