Nakangiti habang hawakhawak ang aking kamay, hinila ako ng marahan ni Cyx para makaahon na sa tubig.
Hindi parin ako makapaniwalang kami na. Official. Maari ko na siyang tawagin kahit ano man ang gusto ko. Pagmamay-ari ko na siya gayon din siya saakin.
Inakbayan niya ako ng naglakad na kami patungong cottage. Halos langgamin na kami dahil sa sobrang tamis ng nadarama namin. Alam kong masaya rin siya kagaya ko.
"Nagugutom kana ba?" marahan at masuyo niyang tanong.
Dumilim na at wari ko'y ang oras ay nasa ala cinco malapit ng mag-alasais.
Pinakiramdaman ko ang tiyan ko kung Nagugutom ba ako ngunit hindi naman. Marami na akong nakain kanina sa Village palang nila.
"Hindi." sagot ko at ngumiti.
Ngumiti rin siya sa akin at ninakawan ako ng isang mabilis na halik sa labi.
"I can't avoid kissing you." may panggigigil niyang bulong, napatawa ako ngunit siniko ko siya. Hayok masyado sa halik ko tsk! Huwag siyang mag-alala libre na niya akong nahahalikan ngayon.
Nang marating na namin ang cottage ay nagkakasayahan parin sila. Nakita kong hataw na hataw si Fire sa pagsayaw kasama sila Kulture at Zuper na nga pinsan niyang babae. Hindi rin nakatakas ang mukha ni Shane na ngayo'y nasa lap ni Extremo. Ngiting ngiti silang dalawa at lasing na lasing narin si Extremo.
"Hi Ate Chastise. Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." nakasimangot na bungad sa'min ni Eula. Kung kanina ay hindi pa gaanong mapula ang mukha niya ngayon naman ay sobrang pula na. Ang katawan niya'y sobrang pula maliban nalamang sa natakpan na parte ng katawan. She's now wearing a short short and a bra printed with Spongebob.
Lumambot ang mukha ko ng marinig ko ang sinabi niya kaya lumayo muna ako kay Cyx at sinenyasang lumayo muna sa amin. Nakasimangot siyang sumunod sa utos ko.
I gently hug Eula's waist. She's such a baby. I feel like she's already attached on me, Me as well to her.
Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya at simpleng binulungan siya. "Kami na ng kuya Cyx mo." masaya kong sabi sa kanya.
Her mouth instantly got shaped an O. Seemed very surprised. Sino ba naman ang hindi, kaaamin ko lang kanina na gusto ko ang pinsan niya ngayon naman ay umamin ako na kami na.
"It's no way!" hindi parin makapaniwalang sambit niya. Nasa mukha ang saya at pagkamangha.
"You're just about An hour missing and suddenly you'll shock me a news. Oh God! I'm happy. Hindi rin nasayang ang paghahanap ko sa'yo kanina pa." yumakap siya sa akin. Feeling ko tuloy nangangailangan siya ng ate sa higpit ng hawak niya.
"Sabi ko na eh. Gusto ka rin ni kuya. I am hoping the wedding will be soon. I'll wait." masaya parin niyang sabi. Natawa ako. Kasasagot palang wedding agad. Pwedeng matulog muna para maproseso ng tuluyan sa utak ko na kami na talaga ni Cyx.
Saglit lang kaming nagkausap ni Eula dahil tinawag siya ng kuya niya. Ayaw sana niyang sumunod kaso automatic beast mode na ang mukha ni Volume.
Kasalukuyang nasa lamesa kami ni Cyx. May hawak hawak siyang beer at ang isang kamay naman ay nasa kamay ko. Hindi niya mabitawan. Nakatanaw ako sa mga nagsasayawan sa labas. Si Cyx naman ay magsisimula ng kumain dahil Nagutom raw siya.
Napausog ako sa kinauupuan ng biglang pumasok si Green. Agad siyang umupo sa tabi ko at nakasimangot ang mukha. "Lover fight again?" pagbibiro ni Cyx. Matalim ko siyang binalingan ng makitang sumimangot lalo ang mukha ni Green.