kabanata 31

65 8 0
                                    





Aligaga kong binuksan ang pinto para kay Miss Cara. She smiles at me and her cheeks still red.

"Uhm... Ihahatid na kita sa labas Miss." I said.

Ngumiti ulit siya. 

Nang nakalabas na kami ay andoon parin iyong palagi kong nakikitang sasakyan na sumusundo sa kanya.

Tumikhim ako ng papalapit na kami sa sasakyan niya." I am happy to know na malaki ang naiimprove ni kuya dahil sa tulong mo. Uhm Thank you so much."  wika ko ng humarap siya sa'kin.

"I am happy too that he improves alot every session. Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil sobrang bait niya at palangiti. The reason why I always wanted to teach him more and more. Hindi lang kayo ang napapangiti niya kundi ako rin. I thank him because through our interaction every session mas lalo kung minamahal ang trabaho ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nakaplastar sa mata niya ang ningning at kagalakan.

"Uhm..  Matalagal ko na uhm.. Sanang gustong itanong ito sa'yo..  Pwede ko ba siyang bigyan ng impormasyon tungkol sa mga kakilala niya noon? Tulad ng mga tropa niya, kung ano mga gawain nila?  At uhm..  Iyong love life niya? Maaari na kaya?"

I saw her face bacame uneasy but she manage to smile. "Ayos lang,  ngunit kung sasabihin mo iyon lahat ay baka matriggered ang utak niya. Gaya ng sinabi ko dati,  may limitation lang ang dapat ibigay na information at mas makakatulong rin kung papabayaan nating kusang bumalik lahat ng memorya niya."

Napabuntong hininga ako.

"Sometimes I am observing his actions, nag-uusap kami sa kahit anong bagay na gusto niyang pag-usapan namin. At minsan may nabanggit siya sa'kin na babae, iyon palagi ang pumapasok sa utak niya kapag nag-uusap kami but unfortunately everytime na naalala niya ang babaeng iyon ay sumasakit ang ulo niya. Minsan sumusuka siya at lumalabo ang paningin. May I know if he had a girlfriend before? Para aware ako at para matulungan ko siyang maover come lahat ng memorya niya tungkol sa babaeng palagi niyang ikinikwento sa'kin."

Nakaramdam ako ng awa at lungkot sa impormasyong iyon. It must be Green. Naaalala niya si Green. I am happy, at least may naaalala siya tungkol kay Green.

"Ang alam ko lang tungkol sa lovelife ni kuya ay mayroon siyang babaeng kinaiinisan dati and it turns out na gusto niya pala iyon. Her name is Green. Bago mangyari ang insidente ay ang pagkakaalam ko sasagutin na sana ni Green si kuya."

"Oh!  So may naiwan pala siyang babae?  I hope that Girl has a big trust on Anthon. Kahit nakakalungkot man sabihin 'to pero na sa parte ni Green si Anthon natitrigger. Malakas ang impak niya kay Anthon at kung palaging iisipin ni Anthon si Green ay malaki ang epekto nito sa kanya. Baka hindi na niya tuluyang maalala si Green at ang memorya niya dati."

Oh shit! Why?

Bakit kay Green pa? Bakit si Green pa?

"A-ano po bang maaring gawin kung ganoon? What if hindi niya inaasahang maalala niya si Green?"

"Ang mabuting gawin ay bantayan lagi ang actions niya,  lahat ng sinasabi niya at lahat ng ayaw niya. At malaking tulong kung palagi niyo siyang kakausapin kahit sa anong bagay na gusto niya huwag niyo lang pag-usapan ang mga bagay sa nakaraan. Let him remember everything in his own way."

Nakakalungkot man ngunit wala kaming magagawa. Kahit gaano ko man kagustong ipaalam  kay kuya Thon ang tungkol sa kanila ni Green ay hindi maaari. Mas mabuting intayin nalang namin hanggang sa kusa niyang maalala ang lahat.

Weeks past by, ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral, pag-aasikaso kay Mama at sa bahay.  Dumalaw ulit ako kila Mama, pwede na silang umuwi but Papa wants mama to stay there 'till she bacome really really okay.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now