kabanata 27

66 9 0
                                    



          

           Sa sobrang pagod ng buong araw ko ay tanghali na ako nagising kinabukasan. Mabining tampal sa braso ko ang aking naramdaman ng imulat ko ang mata. It was Green. She's smiling at me ngunit ang mga mata niya'y namamaga.

"Kain kana." maingat niyang wika.

Nagising ako! Panaginip lang ba ang lahat? Hindi ba iyon totoo? Walang aksidenteng naganap?  Hindi  ba buntis si Mama? Si kuya Thon ayos lang ba siya ngayon? gusto kung makita ang supladong mukha niya.

To confirm those question I roamed the room where I was. Nahulog muli ang balikat ko ng makita si Mamang nakahiga sa kama niya at inaasikaso ng babaeng nurse.

Akala ko'y panaginip lang, totoo parin pala. Lahat ng nalaman ko kahapon ay totoo.

"May dala akong extrang damit. You should change after you eat your breakfast." wika ulit ni Green.

Napadapo ang mata ko sa suot ko, ni hindi ko namalayan na naka uniform parin ako hanggang ngayon. Tss! Ang daming nangyari kahapon. Panoo ko iyon nakayanan?

Una, nakausap ko si Donya Victorina, nagkasagutan kami at.... Nakipag hiwalay na ako kay Cyx. Wala na kami ni Cyx. Muntik ko ng makalimutan ang bagay na ito dahil sa problemang nagsabaysabay kahapon.

Pangalawa, Pagkauwi ko'y nalaman kong Naaksindinte sila lola, wala na rin pala si Lola. Kuya Thon is fighting for his life now. Walang kasiguraduhan at ang mama ko ay maydaladalang bata sa sinapupunan niya't wala akong kaalam alam sa bagay na iyon tungkol sa pagdadalang tao niya.

Hindi ko alam kung anong problema ang babalingan ko ng atensiyon. Nakakabaliw!  Nakakawalang lakas!

Ni hindi manlang pumasok sa isip ko na mangyayari ito kay Mama. Bakit? Saan nanaman ba ako nagkulang? Bakit hindi niya manlang sinabi sa'kin ang bagay na ito? At...  Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa dahil sa kalagayan niya ngayon at sa pagtatago niya ng bagay na dapat ko naman malaman sa una palang.

Sino ba talaga ang taksil sa pamilya namin?  Si Papa ba, na palaging wala sa bahay at Pinagbubuhatan ng kamay si Mama?  O si Mama na palagi kung kasama dito at ngayon ay buntis na pala sa ibang lalaki?!

Oh God!  Just please give me enough strength to handle all of these.

"Si kuya Thon.. A-ayos na ba?" tanong ko kay Green.

She looked at me with a weary eyes. She sighed deeply."Wala pang malay. Kailangan na niyang malipat sa ibang ospital. Tumutulong si Papa para mapadali ang transaksiyon at proseso. At... Malaking tulong rin kay Mr. Jam dahil sinalo niya lahat ng babayarang bill."

Nangunot ang noo ko. Who's Mr Jam?

"Sino si Mr. Jam?  Wala kaming kakilalang Jam sa pamilya namin." masuri kong tanong.

She just smiles.

"Don't worry, kilala namin siya. Isang business man."

"Oh ito pamalit mo."She handed me her clothes, "Kumain ka ng marami para mabawi mo ang lakas mo. Jonathan told me you passed out lastnight. Hindi na kinaya ng katawan mo ang sobrang pagod at walang tigil na iyak."

Ibinigay niya sa'kin ang isang box na may laman na kanin at ulam. Kumain ako at naligo pagkatapos. Si Green namanan ay binantayan muna si Mama.

"Uhm..  Wala bang... Bisitang dumating galing manila?" I asked.

Kung nakapag byahe na siya siguro kahapon ng hapon ay maaaring mamaya o bukas siya makarating dito. O kung sa plane naman ay kaninang madaling araw ay andito na siya.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now