Happy holidays :) Sana hindi nako maging tamad magsulat sa 2020 hahahaha at sana maka tapos na ako ng story. Kahit isa lang huhu
Pagkatapos ng pangalawang Interaksyon namin ni Cyx sa batis ay agad na nga akong bumalik kila Mama.
Hindi rin kami nagtagal dahil kinailangan pang sunduin ni Aris ang kanyang anak kila Governor.
Kinabukasan ay maaga akong gumising, nagbabaka sakaling pupunta ulit si Mama sa Bukid, ngunit taliwas sa inaasahan ko dahil hindi daw si Mama pupunta at baka sa susunod ulit na araw.
I tried to asked lola if she'll go to bukid."Oo, pupunta ako. titingnan ko iyong tinanim kung kamote noong nakaraang linggo. Balak ko kasing gumawa ng kamote chips apo. Nakakain kana ba noon?" tanong niya sa'kin.
Agad naman akong napangiti sa tanong niya. Kung pupunta siya ay sa kanya nalang ako sasama at sasabihin ko nalang kay Mama na nabobore ako dito o hindi kaya gusto ko lang samanahan si Lola para sa alalay hmmm.
"Sasama po ako Lola." nakangiti kung usal. "Hindi pa ako nakakain ng Kamote chips at hindi po iyon pamilyar sa'kin. I just know french fries, iyon ba 'yon?"
"Nako, hindi Apo. Mas masarap ang kamote chips. Mamaya kung may makuha tayo ay magluluto ako."
Nagpaalam ako kay Mama na sasama kay Lola pumayag naman siya at siya rin ay may pupuntahan kasama daw niya si Aris. Siguro sa mga dati nilang mga kilala dito.
Bago kami umalis ay nagluto muna si Lola ng squash cake. Dadalhan namin ng merienda iyong mga trabahante niya. May pinapatayo palang medyo malaking kamalig sa bukid si Lola at ngayon na ang simula noon, para daw may matulugan o matambayan kami kung gustuhin namin dahil dito narin naman kami maglalagi, Kailangan niya iyon icheck ngayon.
"bebe Chastise 'tatanong si kambal kung sino daw nakialam sa cellphone niya kahapon. Alam ko namang ikaw 'yun pero bakit mo iniwan ng hindi nakacharge?" antok na tanong ni kuya Than sa'kin. Kakababa lang niya galing kwarto at pupungas pungas pa.
Shit! Hindi ko napansin.
"Lowbat siya kahapon hanggang gabi, hindi niya nasagot 'yung tawag ni Divine. Kaya sobrang badtrip siya."
Divine? Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong napakagandang babae na kaklase ata ni Cyx?
"Ha? Bakit?" taka kung tanong.
"Tss! Crush na crush 'yun ni kambal at minsan lang 'yun tumawag at himala nga't tumawag 'yon. He missed the chance though."
Ha?
"Akala ko ba si green?" kunot noo kung tanong. Kumamot sa ulo si Kuya than at ngumisi.
"Si Green ang may gusto kay kambal pero hindi naman siya ginusto pabalik ng kapatid ko. Pero mas gusto ko si Green kaysa kay Divine." simpleng sagot niya.
Divine is damn gorgeous pero kung ikukumpara sila ni Green ay malayong malayo sila. Green has this beauty that makes you look like potato if you're with her. Kasi naman ang ganda rin niya. Si Divine napakaganda pero siya 'yung tipo na napaka pormal kahit sa gawi at pananalita. Well.. Parehas silang maganda.
"Na'san si Kuya Thon?" pag-iiba ko ng tanong.
"Hmmm.. Kasama si Green?" sagot niya ngunit patanong.
Mas lalong nangunot ang noo ko.
"Ano bang utak ang mayroon si Kuya thon ha?" natatawa kong tanong sa kambal niya.