Alam ko pong napakaraming typos and errors sa story ko, kaya sorry po at hindi ko muna 'yun maiedit.
"Green!"
Malakas na tawag ni kuya Jonathan kay Green. Inabot sa kanya iyong bottled water ni kuya Thon. Bigla akong napangiti.
We're here at the Village of Monzantos, nasa malaking covered court kami. As usual nagpapractice ng basketball.
Isang linggo at kalahati na akong hindi sumasama kay Lola sa Bukid dahil nakakaramdam ako ng lungkot. Halata man o hindi kaya lang naman ako sumasama kay Lola sa bukid ay upang makita ko si Cyx sa batis. I have this urge that i really want to know Cyx. Unang kita ko palang kay Cyx sa party ng pinsan ni Gino ay namangha na ako.
Tinulungan niya ako sa manyak na kupal na iyon. Pero hindi niya ako tinulungan upang makatayo. Doon palang ay nakakamangha na. First time kong makakita ng lalaking matulungin pero hindi gentleman.
Pero sa ilang linggong pagsusuri at pagkilala ko sa kanya ay unti-unti niya iyon binabago. Talagang matulungin siya at mabait.
Kay bilis ng oras, parang natulog lang ako upang mag-antay sa pagbalik ni Cyx ng halos tatlong linggo.
Isang linggo nalang ay magkikita na kami. Parang naging extra sweet siya noong nagkahiwalay kami.... I mean noong umalis siya.
He won't missed a day without calling me. Nagtetext kami pero hindi masyado. Sa umaga ay nakakatanggap ako ng good morning, at pagfree time niya ay nagtetext muna siya bago ako tawagan. Inaalam muna niya kung busy ako o hindi para hindi siya makaistorbo sa'kin. He's very thoughtful. Ang dating plano kung pag-iwas ay tila'y isang biro na lang ngayon.
Unti-unting nasasanay na ako sa ugali niya. Sa mga bagay na ipinapakita niya sa'kin. I really love how genuine his attitude to me and to others. Ngayon palang ako nakakatagpo ng ganitong klase ng tao. Na halos angkinin na ang kagandahang ugali sa mundo.
Sa gabi ay walang palya ang video call namin sa isa't-isa. Palagi niya rin akong kinakantahan ng "stand by me." paborito ata niya at nagiging paborito ko na rin.
I smiled when I saw Green handed the bottled water to kuya Thon. Medyo mataray niyang ibinigay iyon at hindi siya nakatingin kay kuya.
Simula noong gabi sa food court ay mayroon ng kababalaghang nabuo sa isip ko. Narinig kong sinabi ni Green na "Hinahalikan mo ako pero hindi mo naman ako gusto" may kirot pero nakakakilig. I don't know why? Masama na ba ako? maging masayang nasasaktan si green pero thinking na naghalikan na sila, parang gusto kong yakapin si kuya Thon at bulungan ng "Buntisin mo na si Green para wala ng takas."
Oo nga no. Masama na talaga ako mag-isip. Tsk! Tsk! Quinn! Baka hindi mo alam tinext na pala ni Fire si Cyx at sinabihan ng "Buntisin mo na si Quinn para wala ng takas."
Uggghh! Stop thinking this way Quinn! It's so cringe! Maliban sa ilusyon mo ay mas magaling nag-isip si kuya Thon. Hinding hindi siya magpapadala sa kalokohan mo. Tsk!
Tapos na ang laro nila at hapon na. Gusto ni fire maligo sa beach ng San Vicente. I'm not one of their squad but I feel like I am one of them, fire invited me to come. Maganda ang pakikitungo ni Fire sa'kin. May taglay rin siyang kabaitan tulad ni Cyx.
Ang ruta namin ngayon ay sa front view ng San Vicente. Mayroon malaking cottage doon ang magpipinsan. Sabi nila'y nag-ambagan sila para bilhin iyon para hide out nila kung gustong magkayayaan. Tulad ngayon.
Ang galing rin nila, pero ganoon naman pagmayaman. Kung ano ang maisipan ay gagawin at madali na lang iyon sa kanila dahil lahat sila'y mapipera.
Napansin ko rin na lahat ng Monzanto ay Engineering ang kinuhang kurso. pero nasa 3rd year college palang ang iba sngayon pasukan. Si Cyx ay graduating na dahil sabi niya sa'kin ay gusto niyang madaliin ang pag-aaral. Pinagsasabay-sabay niya. Hindi ko makuha kong ano ang ibig niyang sabihin sa pinag-sasabay sabay basta ang sabi niya'y goal raw niya iyon sa buhay. 'di ba ang dami rin niyang alam at ako ay parang sunod sa hangin nalang. Kung ano maisipan ay pipiliin.