Sobra man ang nararamdaman kung kahihiyan ay nagawa ko paring ngumiti ng hilaw sa lalaking kapapasok palang sa loob ng sasakya.
Maybe he thinks that i'm kind of weird person. Nakakunot ang kilay niya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nahahalata ata niya ang kawerdohan ko.
Nakilala kaya niya ako? Mukhang hindi eh.. Buti nalang, baka malaman nila kuya Thon ang pinaggagawa ko sa syudad.
Umayos ka nga Quinn!
"Seems like you're in big trouble, dude!" Si kuya Jonathan ang nagsalita, katabi niya si kuya Thon na kasalukuyang nagdadrive ngayon.
"Nah! Krypton is just being dickhead again." wika noong lalaki sa tabi ko.
Napalunok ako ng paulit-ulit. Grabe! Mukhang parehas sila ni kuya Thon, palaging inaantok ang boses, At kung hindi ako nagkakamali ay masungit din siya. Base sa una naming pagkatagpo.
"Buwaya ka kase!" napalingon ako ng sumabat si Green sa kanilang pag-uusap.
So magkakakilala pala talaga sila. Ako lang ang baguhan dito..
"Buwaya din si Thon!" angil noong Cyx habang nanunuyang nakangisi na para bang he just hit a perfect point.
Sa pagbanggit palang sa pangalan ni kuya Thon ay bigla nalang natameme si Green at inirapan si Cyx.
"Tsk! Masyadong mabunganga Papa mo." sagot naman ni Kuya Thon na kanina pa pala na nanahimik at nakikinig.
Sinong Papa? Nameet na ba ni kuya Thon 'yung Papa ni Green?
Nakita kong napatingin si Green kay Kuya Thon, si kuya Thon naman ay iniwas ang tingin sa masungit na paraan.
Ano ba ito? Ano ba sila?
"Gago!" tanging sagot ni Green. Nabigla pa ako kasi hindi ko inaasahang ganoon ang magiging sagot niya.
"Bastos na bunganga!" si Kuya Thon sa seryosong tono.
Kasalukuyan akong nag-aabang ng palitan nila ng sagot at parang ako lang ang interesado sa pakikinig dahil si Cyx at Kuya Jonathan ay nakapikit na ang mga mata nila. Magpapahinga. Napagod ata kanina sa laro.
"Ikaw ang bastos!"
Nakita ko na ipinatong ni kuya Thon ang siko niya sa bintana ng sasakyan at pinaglaro laruan naman niya ang mga labi gamit ang kamay na nakapatong sa bintana.
"Kababaeng tao nagmumura." bulong bulong ni kuya Thon.
Pasimple akong sumandal sa inuupunan at pinikit ang mga mata. Gusto ko lang makinig sa pag-uusap nila at para hindi halata ay mas mabuting magtulog tulogan ako.
Huli na ng mapagtanto ko na totoo pala akong nakatulog. Hindi ko alam kung ilang minuto o segundo.. Basta nakatulog ako. Nang imulat ko ang mata ko ay nakasandal na ako sa balikat.. Wait!
I mentally flinched.
Napalingon ako kung kanino balikat iyon. Biglang laki ang mata ko ng makitang si Cyx pala iyon. Kasalukuyan siyang natutulog ng mahimbing habang nakaawang ang bibig.
Sandali akong natuliro sa paninitig sa napakinis niyang mukha. Kahit tulog siya ay andoon parin ang kasungitan sa mukha, buti nalang ay naramdaman kung sumukyap si Green sa'kin kaya agad akong napaiwas kay Cyx at inayos ang upo.
Diyos ko naman!
Ngumiti ako kay Green para maitago ang hiya. "Uhmm m-malapit na ba t-tayo?" uutal-utal kong tanong.