kabanata 22

95 11 0
                                    



                May pag-aalala kong sinulyapan si Ric. Nais ko sana siyang tulungang nakatayo ngunit naka plastar sa mukha niya ang lihim na ngiti.

Ramdam ko ang higpit ng hawak ni Cyx sa braso ko at ang mabibigat niyang paghinga. Gusto ko man siyang sulyapan ay hindi ko ginawa. Naiinis parin ako sa kanya.

Tumayo ng mag-isa si Ric at pinagpag ang short niya. Then, he looked at me with an amused face."I wanna have my pair share with you next time, darling." pagkasambit niya noon ay kumindat muna siya sa'kin bago tumalikod.

"Damn that Assbull!" malutong na mura ni Cyx sa likod ko.

"Diba sinabi ko sa'yo last time na itaboy mo siya kapag lapitan ka niya?" may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya na nakakapagdadag ng kairitahan ko.

Damn him! Huwag niya akong maganyan ganyan!

"Oh! Hindi ko alam na pinapalitan mo na ang trono ni Mama. Makautos ka, mama ba kita?!" i equal the irritation within us. Hindi parin ako tumitingin sakanya. Pinanatili ko ang mata ko sa karagatan. Medyo maingay rin sa banda namin kaya mas mabuting iwan ko siya dito.

Hindi ko siya nilingon at basta basta nalang akong naglakad palayo sa kanya. Marahas kong winaglit ang kamay niyang nakahawak sa'kin para siguradong makawala ako.

"Quinn! Where do you think you're doing?  We need to talk!"

Hindi ko siya pinansin at binilisan pa ang paglakad. Pinili ko ang banda kung saan walang tao para makapagmuni muni ako. At hindi naman ata ako susundan ni Cyx dahil may naiwan siyang kasayawan niya. Tsk! Doon nalang siya!

Sa bilis ng lakad ko ay muntik na akong madapa ng hatakin ni Cyx ang braso ko. Marahas ang pagkakahatak niya kaya nasaktan ako. Pinaharap niya ako sa kanya. Matalim ko siyang tinitigan gaya ng mga mata niya sa akin.

Suntokin ko kaya 'to ng tumigil sa panggugulo sa akin. Hindi nalang siya makipagsayawan doon sa girlfriend niya hanggang sa mamatay sila!!

"Ano bang problema mo ha?!" nag-uusok ang ilong ko ng tanongin ko siya.

"Ikaw...?  Ano bang problema mo?!" panghahamon niya.

Tsk!

"Wala akong problema! Ikaw... Anong trip mo at sumunod kapa sa'kin?!"

"I said, we need to talk!" maypagpipigip sa boses niya ngunit ang iritasyon ay andoon parin.

"Hah! Ano bang pag-uusapan natin?! Okay lang naman ako. Walang problema."

Bumalik ang supladong mukha ng dating Cyx na nakilala ko noong una palang naming pagkikita sa Plaza ng Llorente. Halos magdikit ang makakapal niyang kilay at umiigting ang bagang niya.

"Tungkol kanina. Bakit ka pumapayag na hawakan ka ni Ric Valencio ng ganoon?! Hindi mo siya kilala for heaven's sake!"

Napabuntong hininga ako malalim at umaasang sana'y mabawasan niyon ang inis ko sa lalaking nasa harap ko.

Ano ang pake niya kung hindi ko kilala si Ric. Wala siyang pake! At kung akala niyang hindi ko kilala si Ric. Pwes nagkakamali siya, Kilala ko iyon. Nagpakilala siya. Si Ric Valencio siya!

"Kilala ko siya. Nagpakilala siya sa'kin. Ric Valencio ang fullname niya!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

He cursed silently. Nailagay niya ang isang kamay sa baywang niya at ang isa naman ay sa batok at hinimas iyon ng paulit ulit na tila ba'y iyon ang tanging magpapakalma sa kanya.

"Kung iyon ang pinag-aalala mo pwes sasabihin ko sayo na kilala ko siya. Don't worry.. Nagpakilala narin ako sa kanya at kaibigan na kami. Sinabi ko na saiyo iyan noong nakaraan. Paulit-ulit tayo dito?!" mataray kong usal.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now