I waved my right hand as I watched Mama and Aris leave our house.
Sabi ni Mama ay may bibilhin siya sa bayan na kakailanganin sa paggawa ng kamalig. Sakto namang si Aris ay pupuntang bayan dahil may meeting daw siya sa isang business partner niya.
Gusto ko sanang sumama at baka walang kasama ni Mama pauwi mamaya ang sabi naman ni Aris ay siya na ang bahala. Kaya napanatag ako doon.
Si Lola ay pupuntang bukid ngayon ngunit sa araw-araw na palaging excitement ang nararamdaman ko pagpupunta kami, ngayon lang ako nakaramdam ng kawalang ganahan. Parang may nakapatong na mabigat na bagay sa katawan ko at parang gusto ko nalang magkulong sa kwarto. I really don't know why I feel something strange within me.
I opened my phone to check if Cyx has a message ngunit wala. Paulit ulit kong binasa ang mensahe niya kaninang madaling araw.
Siguro'y busy siya o tulog pa dahil sa jet lag. At hindi naman siya obligadong mag send ng message every now and then. Ano kami? Tss! We're just... Maybe friends? I don't know how to call our status?
Dumb! Of course I am his friend. Or let me say 'Alaga' niya. Tss!"Oh apo mukhang wala kang gana ngayon ah. May sakit kaba?" napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang tinig ni lola. Halos maubos ko na ang bunga ng kamatis kahit na berde pa iyon ay pinitas ko na. Tsk! Ano ba 'to?! Lutang masyado.
Ngumiti ako sa kanya upang itago ang kung ano mang kakaibang nararamdaman ngayon."No.. I'm fine lola. Hindi ko po alam na Nagkamali po ako sa pagpitas ng mga kamatis. I'm sorry po." I explained and pagpapalusot at the same time.
"I thought green is better than those orange tomatoes. Mukang malapit na kase mabulok." dagdag ko pa.
"Naku apo, mali nga iyang pinamitas mo. Minsan ay kung ano ang nararamdaman sa loob ng damdamin ay siya rin ang inaakto panlabas. May sakit ka ba?" lola asked with her concerned voice.
Kahit siya'y may napapansin rin sa'kin. Ano ba talaga 'to?
"Kulang lang siguro sa tulog lola." simpleng usal ko.
"Sa pagbababad siguro iyan sa batis kahapon. Ang sabi ni Cyx ay sa ikalawang linggo pa ng mayo siya uuwi dito. Mabuti nga iyon at para makapahinga ka na rin. Nitong nagdaang linggo ay palagi kayong magkasama't namamasyal. Napagod siguro ng husto ang katawan mo."
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kawalan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? I'm absolutely fine. My body is fine. My "Dibdib" is fine. My morning was fine but why the hell I'm feeling something strange?
Ano bang karamdaman 'to at hindi ko matukoy?!
"Ika-sampong beses na buntong hininga mo na iyan apo. Mas mabuti siguro ay magpahinga ka muna sa kamalig at gigisingin nalang kita kong malapit na tayong gumayak."
Walang masabing salita'y tanging tango na lamang ang tugon ko kay Lola. Ipinatong ko sa maliit na lamesa ang basket na may laman na mga kamatis. Tumungo naman sa maliit na kutson sa maliit na kamalig ni Lola.
I check again my phone. The signal's bar are full. Ngunit walang mensahe kahit kanino. I hate it! I fucking hate this feeling! Maganda naman ang mood ko kaninang umaga bakit bigla nalang nagbago at naging ganito na ang pag-iisip ko ngayon? Wala akong gana sa ano mang bagay at mas gusto ko nalang matulog talaga. Kulang lang siguro ng tulog ito. Mas mabuting matulog nalang ako at baka mamaya'y maayos na ang pakiramdam ko.
I slowly close my eyes.
Three minutes.. Pilit kinakalma ang sarili. I feel like my mind is bombarded with a fucking puzzle nonsense thing!