kabanata 38

71 8 0
                                    






I failed as a child, I failed as a human and I failed my trust to other, These failures leads me to be disheartened.

Nakakatakot isipin na lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ay lolokohin ako. 'yung taong akala mo'y kakampi mo ay siya pala ang wawasak sa'yo.

Sa loob ng apat na taong pag-iwas ko sa tao ay hindi ko na pala napapansin na marami na rin pala akong nasasaktan.

But only one person was there through my journey. He was there when I spoke out my frustrations for my family problems. He was there when I was down because I cannot think a proper business proposal. He was there when I was alone. He was there when I am sad and most especially he was there when I was happy achieving my small dreams.

Isang bagay lang ang hindi niya natunghayan sa apat na taong pagiging magkaibigan namin. 'Yung pangarap niyang makita akong grumaduate.

Yttrico is my light when darkness embraced me. My family is my strength when I fight my dark days.

Sa apat na taong iyon ay napuno ang utak ko ng aral. At dahil rin sa pagtitiwala at tulong ni Yttrico ay muli, sinubukan kong magtiwala.

"One thing that I wanna say to my baby Chastise...kuya Anthon is so proud of you.." masaya niya akong kinabig upang mayakap ng mahigpit.

Papa throw a mini party for me for my graduation. Kadarating ko palang sa bahay at sinalubong nila ako.

May mga handa at nag effort rin silang magdecorate kahit simple lamang. Kami kami lang naman sa bahay ngunit masaya at nakakagaan ng loob.

Hinalikan ni kuya Anthon ang noo ko at ngumiti siya ng mapaka tamis sa akin. Napakaganda ng ngiti niya, lalo tuloy siyang gumwapo. At malayong malayo na talaga siya sa ugali niya noon. Hindi na siya masungit at bugnutin. Palangiti na at friendly.

I mouthed "Thank you" to kuya Anthon with zero sound. Nakita ko sa tabi niya si Miss Cara, ang kanyang braso ay bumukas upang salubungin rin ako ng yakap.

I hugged her, may binulong rin siya sa akin na magagandang salita. Si Miss Cara ay naging parte narin siya ng buhay ko. Malaki rin ang naitulong niya sa pamilya namin.

Nakakapanghinayang ngunit kailangan kong tanggapin, dahil iyon naman ang ikakasaya ng lahat. Kuya Anthon and Miss Cara is in a relationship na. Dalawang taon na ang nakakaraan ng malaman ko ang tungkol sa kanila.

Hindi naman na nakakabigla dahil palagi silang magkasama at noong sinabi ni Papa na hindi na kailangan ni kuya ng therapist ay naintindihan naman iyon ni Miss but little did we know, hindi naputol ang ang komonikasyon ng dalawa.

Minsan rin dumadalaw si Miss sa amin upang kamustahin si kuya, two years niya ring tunulongan si kuya Anthon kaya siguro'y namimiss niya ang session nila. At hindi na nga nagtagal ay umamin na sila sa relasyon nila.

I am happy, atleast panatag ako kay Miss Cara na mapapasamabuting kamay si Kuya Anthon ngunit may parte sa akin na nanghihinayang dahil sa naiwan at hindi na naalalang si Green. Hindi siya maalala ni kuya Anthon.. At kapag may naaalala siya na isang babae ay biglang sumasakit ang ulo niya at nagsusuka siya. Kaya hindi na rin namin pinilit ipaalala si Green dahil lumalala ang kondesyon ni kuya.

At speaking of Green, nakapagtapos na siya ng pag-aaral at successful na rin siya ngayon sa pilipinas. Hindi na kami gaanong nag-uusap ngunit kinukumusta ko siya. Siguro'y isa sa pinaka masakit na balitang sinabi ko kay Green ay iyong tungkol kay kuya Anthon at Miss Cara.

Alam kung sobra siyang nasaktan, sino bang hindi masasaktan.. Si kuya Anthon ang naging inspirasyon niya upang makapagtapos ng pag-aaral at naalala ko na kapag nagkakausap kami palagi niyang sinasabi na, magaaral siya ng mabuti at magtatapos para kapag maging maayos na si kuya Anthon at bu alik na ang alaala niya ay handa na niya itong pakasalan.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now