kabanata 15

162 13 7
                                    




     

          The moon light bore into my face when I face its light shade. 

Alam kong gabi na ngunit walang kaba o kahit ano mang pagkataranta sa'king isip at damdamin ngayon habang nakaupo sa madamong lupa.

Napangiti ako ng dumapo ang mga mata sa batis. Tila'y naging salamin ito ng buwan dahil sa napakagandang repleksiyon nito.

Nakita kong umahon na si Cyx sa tubig at binigay sa'kin ang damit na katatapos lang labhan.  Siguro'y nasa alas sais na ang oras ngayon.

Ngumiti ako ng tipid ng ilahad ko ang kamay sa kanya upang kunin ang damit. "Lagpas na ako sa oras na binigay ni Lola  Betty sa'kin." mababang wika niya.

"Ihahatid kita ulit at mag-eexplain ako kung bakit tayo ginabi." seryoso niyang usal habang nakatitig sa'kin. He's towering me,  I am sitting while he's standing in front of me.

"Tara na!" inilahad niya ang braso upang mahawakan ko at makatayo na.

"Okay." tangin usal ko.

Kay bilis ng takbo ng oras at panahon. Noong unang beses kong pumunta dito sa batis ay nalunod ako ngayon naman na ika tatlong linggo ko na, ay marunong na akong lumangoy.  In just a week I learned to swim.

Now I can swim confidently.

Last week  noong napag-usapan namin ni Cyx na maligo dito sa batis. Ang sabi niya'y tuturuan niya akong lumangoy. At tinutoo niya nga iyon. Nagkikita kami dito sa hapon upang turuan niya dahil sa umaga ay kung hindi siya unaattend sa practice ay inaasikaso naman niya ang pag-aaral. May summer class kase siya.

I'm being a burdened again to him. Palagi ko iyon sinasabi sa kanya ngunit ang palagi niyang tugon ay 'Don't feel bad 'bout it. Nag eenjoy naman ako naman ako na kasama ka.'

Minsan naiisip ko na ganito ba talaga siya? Mabait at thoughtful?

Hindi ko inaaasahang magiging malapit kami sa isa't isa.

Sakay sa kanyang ford ranger ay agad kaming nakarating sa bahay. Nakita ko rin na mayroong nakaparadang sasakyan sa labas. At pamilyar na iyon sa'kin. Sasakyan iyon ni Aris. Buti't napadalaw siya. Nitong nakaraan ay hindi na siya nakapunta dito pero minsan ay nagpapaalam si Mama na mayroon silang lakad ni Aris kasama ang iba niyang mga batch.

Pinagbuksan ako ng gate ni Cyx at pinapasok muna bago siya. Sumunod siya sa'kin hanggang pinto.

"Hindi muna tayo pupuntang batis bukas." mataman niyang usal. Natigil ako sa pagpapagpag ng damit at napatingin sa kanya ng may pagtatanong.

"Bakit?" kunot noo kung tanong.

"I'll be busy these coming weeks. Kailangan kong magprepare at pag-aralan ang design ko."

Naalala ko ang napag-usapan namin noong isang linggo. Malapit na pala ang katapusan ng April at naibahagi niya sa'kin na isa siya sa napiling representative ng school nila para ilaban ata ang design niya. Hindi ko alam kong ilalaban ba niya ang design niya or ipapakita doon sa isa raw pristiheyusong tanyag na kompanya sa Luzon. Parang proposal ang gagawin niya. Basta isa-submit niya design niya. At aalis siya ng mahigit dalawang linggo.

Wala siya dito sa San Vicente ng dalawang linggo.

Kung ganoon ay dalawang linggo rin akong Walang makakasama sa batis?

Dalawang linggo rin ba akong nakakulong lang sa bahay?

"Kailan kaba aalis?"

"Next week. Kailangan kong pag-aralan lahat ng nagawa kong design this week. I need to focus on this." seryoso man ang tono ng pananalita hindi parin nakatakas ang pagkalumbay sa kanyang asul na mga mata.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now