Isang mabilis at malakas na hangin ang umihip ng buhok ko dahilan ng pagsabog nito. Gaya rin ng bilis ng hangin iyon ang pagtakbo ng oras at buwan.
Napatingin ako sa malinaw at napakagandang dagat dito sa private island na pinuntahan namin. Bakasyon na nga at nagplano si papa na pumunta naman kami sa beach para naman makapag relax sa lahat ng nangyaring problema sa pamilya namin.
Last Month ay tuluyan na ngang iniwan ni kuya Jonathan ang pilipinas. Masaya akong makita siya ulit sa ilang buwan na pagkawalay namin, at masaya rin siyang makitang patuloy na umaayos ang kalagayan ni kuya Anthon. Guidance nalang ang kailangan ni kuya Anthon, Malaki na ang na improved niya at dahil iyon sa tulong ni Miss Cara. For this vacation, we invited her with our family.
With Miss Cara alone is okay not until Papa Goddamn good attitude, ini-anyayahan niya rin ang pinsan ni Miss. Si Yttrico.
Sabi ni Papa ay naging mas nagkakilala sila dahil sa isang meeting niya noong nakaraan tungkol sa malaking project na tinanggap niya.
Isang mabilis na tingin ang pinasada ko sa banda ni Yttrico. Nasa yate pa kami at ako ay nasa malayong gilid malayo kila Mama at Papa. Si Yttrico ay nasa kabilang gilid rin hawak hawak ang DSLR niya, busy sa pagkuha ng magagandang views.
He's wearing a white long-sleeved polo. Ang tatlong botones ay nakabukas, may tattoo siya sa bandang dibdib na crown, hindi naman kalakihan pero maganda. Nakasuot siya ng summer short at hindi rin nakatakas ang mamahaling relo sa palapulsuhan niya.
Ang paningin niya'y tutok sa dagat kaya, isang side ng Mukha niya ang nakikita ko. Minsan ko na siyang nakausap, pero hindi naman kami close na. At ayaw kong maging close kami, mas lalong masasayahan si Papa kung mangyari man iyon. Tss!
I saw him uninttensionally bit his lower lip and let his tongue wet it after. Bigla akong nangilabot sa elektrisidad na biglang nadama. Napaiwas ako ng tingin ngunit doon ko itinuon sa damit niya.
Fashionable siya sa itsura niya, Pwede ko ngang akalain na isang modelo to sa mga sikat na brand ng damit at kung ano pa man. Well, may clothing line sila kaya hindi na iyan nakakapagtaka na maganda siyang manamit. At dahil doon ay nakakaattract siya.
I mean..
Ugh! Okay! Okay!
I find him handsome,Pero I don't like him.
Isang shot ng kamera ang narinig ko dahilan ng pag-angat ng mga mata ko at sa hindi inaasahang makikita ng paningin ko ay, si Yttrico. Ang Camera niya'y nakatutok saakin. Biglang kabog ng puso ko, nagtatatambol at parang gustong pumakawala.
I know he's gonna take a picture on me but I just know, not even sure if he'll really gonna take a picture. Baka background lang ang tinututukan niya at hindi naman talaga ako.
Sa nahihiya at namumulang mukha ko ay bigla akong tumalikod at binaling ang paningin sa taas. Nagkukunwaring pinanunuod ang langit.
Fuck! Nakakahiya 'yun. Muntik ko ng maisip na ngumiti para kuhanan niya ako ng picture! Tsk! Tsk!
I heard a baritone voice behind me, sa boses palang ay alam ko na kung sinong may-ari. Ngunit ng bumaling ako ay parang gusto kong pagsasampalin ang magkabilang pisngi ko dahil nabigla parin ako.
I was shocked!
He chuckled at my reaction.
Pinamulaan ako ng pisngi dahil sa pagtawa niya. Ano kayang iniisip niya saakin ngayon?
Probably he's now thinking that I wanted him to take photo of me coz he just saw me eyeing his Camera. Tsk! Kung 'yun ang iniisip niya pwes! Ayun din ang iniisip ko pero nahihiya ako at hindi naman kami close. Duh!