kabanata 36

72 8 0
                                    

                 

         Tumikhim ako at nagmaunang maglakad papalabas kay Yttrico. Saktong Pagkababa ko kanina ng natapos na akong maligo at makapagbihis ang siyang dating niya. We had small talk, sabi niya'y hinatid muna niya si Miss Cara at agad namang bumalik sa bahay.

Nang nasa pintuan na ako ng kotse niya, lito pa ako kung agad ba akong papasok o papaunahin ko muna siya. Ngunit naisip ko kung uunahan ko siyang pumasok sa sasakyan niya ay nakakahiya iyon, intayin ko muna siya.

"Hey, are you alright?" malamyos niyang tanong sa akin ng maramdaman ko siya sa likod.

Sobra akong kinakabahan at hindi ko talaga alam kung pano siya pakitunguhan. Damn! Umayos ka Quinn!

Hindi ako tumingin ngunit tumango ako habang nakatalikod sa kanya. Umikot siya upang pagbuksan ang kaliwang pinto at sinenyasang lumapit ako doon.

Gaya nga ng gusto niya ay naglakad ako upang makasakay, siya naman ay lumibot ulit para pagbuksan ang sarili niya.

Nasa loob na kami at komportableng nakaupo. But the truth within me is, my heart rate is running so fast and my head is all messy! Hindi aki makapag-isip ng mabuti dahil nasa tabi ko si Yttrico. And hell! I don't even know why I feel this way!

Busy ang mata niya sa daan, narinig kong tumikhim siya at siguro'y nararamdaman rin niya ang katahimikan sa pamamagitan namin.

"Ano bang bibilhin mo?" pagpatay niya sa katahimikan.

I looked at him,"Uh... Gatas ni Baby Hardin." nagsisinungaling lang naman ako kagabi na maggugrocery ako dahil gusto ko na talaga siya umalis ang kaso ngalang ay nalaman kung wala ng gatas si Baby kaya ito at kailangan ko talagang pumuntang grocery store.

"Yun lang?"

Diretso lang ang mata ng tumango ako sa katanungan niya.

"How 'bout make ups?" tanong pa niya.

Napabaling ako at pinangunutan siya ng noo ngunit bigla ko rin iyon binawi ng maalala ang kahihiyan ginawa noong nakaraan. Tss! Probably he laughed so hard when he saw me blushing for too much blush on on my face at that time. Kaya siguro nagmagandang loob siyang bigyan ako ng pamunas.

"Hindi ko hilig 'yun." masungit kong usal.

I heard him laughed mockingly. I hissed at him reason why his laugh became louder.

"Sumusubok lang ako minsan pero hindi ako bumibili. Sa bahay lang naman ako kaya hindi ko iyon kailangan. Tss!"

"Sumusubok ka minsan pero halos lahat ng product nitry mo na! You know what, if you really do like make up don't be shy to wear it. Kahit nasa bahay ka lang huwag mong pagbawalan ang sarili mo maging maganda." natatawa niyang sabi.

"Tss! Hindi ako nahihiyang maglagay ng make up! Kung makikita mo lang 'yung prices noon parang mas iisipin mo nalang na ibili ng pagkain ang ipambibili mo ng kolorete, grabi ang mamahal noon!"

"Kaya pala try ka lang ng try.. Apply ka lang ng apply ng mga product kunyari bibili pero hindi pala." pang-iinsulto niya sa akin dahilan ng pagtikom ng bibig ko.

Totoo ang sinabi niya. Ngunit naisip ko na kung papatulan ko siya sa mga sinasabi niya ay baka mas lalong hindi kami magkaintindihan. Ayoko muna siyang patulan sa mga pang-iinsulto niya. At naisip ko rin na madali niya akong pagtawanan at insultohin dahil mayaman siya at kahit ano kaya niyang bilhin, ako naman ay namumurublema sa perang magagastos ko sa araw-araw dahil isang tao lang ang pinagkukunan namin ng salapi. Si Papa lang.

Tahimik ako hanggang sa makarating na kami sa central market. Agad kung tinungo ang mga gatas. Dalawang box ang kinuha ko doon sa brad na gusto ni Mama. Naisip ko ring ibili si Mama ng sariling gatas niya pero sakto lang ang perang nadala ko,  baka sa susunod nalang.

Dark Temptation (San Vicente Series #1)Where stories live. Discover now