PROLOGUE: THE STARTING LINE

782 21 0
                                    

WINTER'S POV

Habang naglalakad sa may hallway ay hindi ko maiwasang tignan ang mga mukha ng mga estudyante dito para bang mga pagod na hindi mo maintindihan...Akala mo naman hindi na kapag summer break eh

"Hi Autumn!" masaya at maligayang bati ko kay Autumn

"Argh! Hindi pa rin pala naililipat yung locker ko, yung iyo pa rin pala ang katabi nito, Fuck!" gigil na sabi niya at pabalang na sinara ang pinto ng locker niya

"Ba't parang galit ka? Ayaw mo ba nun araw-araw mo kong makikita" pagdadahilan ko

"Ayaw! Katabi na nga kita sa upuan, halos same na ang schedule natin, pati ba naman sa locker hindi ka papaawat?"

"hindi, cause this is what you called destiny" Sabi ko "bala ka sa buhay mo" Sabi niya at naglakad na palayo sa'kin. mabilis ko namang kinuha yung mga librong kailangan ko at mabilis siyang sinundan

"Akin na tong mga libro mo baka mabigatan ka" Sabi ko at kinuha yung libro niya at pinatong sa mga libro ko

"Hindi ka ba napapagod halos tatlong taon mo na tong ginagawa?" tanong niya habang naglalakad

"Hindi, basta ikaw" sagot ko at nginitian siya kahit na hindi siya nakatingin sa'kin sanay na ako sa ugali nito

"Ano ba kasing gusto mo?!" iritadong tanong niya sa'kin at sa wakas ay hinarap na rin niya ako

"Ikaw" simpleng sagot ko

"Ikaw gusto ko" pag ulit ko para mas malinaw sa kanya

"Hindi kita gusto eh" Sabi niya at nakaramdam naman ako ng kirot sa may dibdib ko "okay lang...Handa akong ipagpatuloy yung panliligaw ko" ngumiti naman ako sa sinabi ko kahit na medyo nasasaktan pa din ako sa sinabi niya

"Whatever" Sabi niya at hinablot yung mga libro niya sa kamay ko. Napapikit naman ako ng makaalis na siya

"hinding-hindi ka talaga titigil nuh?" napamulat naman ako ng mata sa boses ng kaibigan ko natawa naman ako kasi hindi pa rin siya sanay

"Hindi ka pa rin ba sanay?" tanong ko Kay Rain...Rain Fortes nagiisang boy Best friend ko

"Hindi... Kasi sino ba namang babae ang gagawa ng mga pinaggagagawa mo!" galit na sigaw niya sa'kin bago kinuha yung mga libro ko at siya na mismo ang nagdala

"Halika na, pasalamat ka at magkaibigan tayo" Sabi niya sa'kin bago ako inakbayan at naglakad patungo sa classroom namin

"Good morning!" masigla kong bati sa mga kaklase ko

"Good morning din, Winter" Sabi nilang lahat bago ako nagpatuloy sa paglalakad sa upuan ko kung saan katabi ko si Autumn

"Hi Autumn" masaya na bati ko na naging dahilan ng pagbuntong hininga niya

"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya at umuling naman ako habang nakangiti

"Good morning, Winter" napatingin naman ako sa kararating lang na si Summer...Summer Velez best friend ko at kapatid ni Autumn

"Good morning kuya, try mong ngumiti nalulukot na yang mukha mo kakabusangot mo" pangangasar ni Summer sa kapatid sabay tawa

"Shut it! Summer!" bulyaw ng kuya niya

"Pag pasensyahan mo na si kuya, Winter nireregla ata yan ngayon kaya nagkakaganyan" pangangasar pa niya lalo kaya pati tuloy ako ay nakitawa na rin pero natigilan naman kami dahil sa paghampas ni Autumn sa lamesa

"Tigil na please! Hindi maganda ang gising ko!" seryosong sabi ni Autumn kaya natigilan kami

"Ngiti ka na" Sabi ko at tinignan siya pero nanatili siyang nakayuko

"Oh" sabi ko at inabot sa kanya yung sandwich na ginawa ko para sa kanya. nag angat naman siya ng tingin dahil dun

"Hindi ko kailangan niyan" Sabi niya at tinulak pabalik sa'kin yung sandwich

Nginitian ko naman siya "sayo na yan, ginawa ko yan para sayo" Sabi ko at hindi na siya nakatanggi dahil pumasok na yung first subject teacher namin

Nang matapos na yung klase namin ay agad kong sinundan si Autumn palabas ng room

"Pwede ba!" sigaw niya kaya napahinto ako

"Tigil-tigilan mo na ako, Winter...Listen!" sabi niya

"Masasaktan ka lang okay?, tatlong taon Winter...tatlong taon mo na to ginagawa, hindi ka ba napapagod?, hindi ka ba nahihiya diyan sa pinag-gagagawa mo?" sunod-sunod na sabi niya

"Hindi ako napapagod, dahil hindi ako titigil hangga't hindi mo ako nagugustuhan, nahihiya ba ako?, hindi rin...hindi nga ako napapagod eh mahiya pa kaya" sagot ko

"Please tumigil ka na sinasaktan mo lang ang sarili mo" Sabi niya tsaka ako iniwan pero me being me sinundan ko pa rin siya papuntang canteen

"Winter!" rinig kong sigaw ni Rain kaya napatingin ako sa gawi nila ni Summer sinenyasan ko naman sila na 'wait Lang'

"Hanggang canteen ba naman, Winter" halatang inis na sabi sa'kin ni Autumn

"Ibibigay ko lang naman yung pagkain na ginawa ko para sayo" Sabi ko at nilapag sa lamesa yung baunan

"Walang gayuma yan" pag assure ko

"Eat well" Sabi ko bago nagtungo papunta sa lamesa namin nina Rain at Summer

"Winter..." napatingin naman ako kay Summer na bakas sa mukha ang pag-aalala

"Bakit?" tanong ko "sinabi ko naman sayo diba tigilan mo na si kuya alam nating lahat na masasaktan ka lang Winter" panimula niya at napalingon naman ako sa lamesa nina Autumn

"Oo nga naman Winter, Tama si Summer" hinarap ko naman si Rain "Imbis na mag-aksaya ka ng oras kay Autumn, focus on yourself o Kaya naman sa Studies mo" dagdag pa nito

"Alam kong Mali...Pero siya yung hinahanap ko eh" sagot ko sa dalawang to

"Oo nga, pero tignan mo nga in the past three years simula nung mag focus ka kay kuya pumayat ka, tuwing yayakapin kita ramdam na ramdam ko yung mga buto mo at hindi healthy yun"

"Try ko" Sabi ko "don't try! Do it" Sabi ni Rain sa'kin bago nagpatuloy sa pagkain at kumain na rin ako

Kaya ko kaya?

"Hi Autumn" bati ko kay Autumn ng matapos ang Lunch break "what now?, Winter" tanong niya

"Masarap ba yung niluto ko? Para sa iyo yun" tanong ko

"Ah, yun ba" panimula niya bago ako hinarap

"Pinakain ko sa mga kaibigan ko" Sabi niya bago muling nagsimulang maglakad

"Huh?" tanong ko bago siya hinabol

"Teka! P-para sa iyo yun" Sabi ko "sorry hindi kasi ako kumakain nun" Sabi niya

"Ano bang gusto mo ng magawa ko? I mean nanliligaw pa rin naman ako" tanong ko at tumigil naman siya sa paglalakad kaya pati ako napatigil

Hinarap naman niya ako bago ako tinignan mata sa mata "Can you listen to yourself, nagmumukha kang desperada sa ginagawa mo" Sabi niya

"Anong gusto ko?" tanong niya at tumango naman ako

"Lubayan mo ako" sagot niya at iniwan akong nakatayo sa gitna nang hallway

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon