CHAPTER 12: FOURTH WISH

112 15 0
                                    

WINTER'S POV

"Winter Stavros!" bulyaw ni Summer sa may tenga ko kaya naman ako natauhan

"Ayos ka lang?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot

Sa totoo lang hindi talaga...Nag-aalala si Autumn sa'kin?!

Good thing ba yun O bad thing?

Good thing kasi may pake na siya sa'kin

Bad thing kasi kinakaawaan niya ako dahil dun

Ay! Ewan!

"Sabi ni kuya inatake ka daw ng panic attack?" tanong niya at napatingin naman sa'min si Thunder

"Inatake ka?" tanong ni Thunder at tumango naman ako

"Oo, pero mild lang naman siya nung nangyari yun, hindi katulad ng dati na kailangan akong e-under sedation" Sabi ko at natulala naman siya

"Okay ka pa?" tanong ko kay Thunder at bahagyang natawa sa naging reaksyon niya

"Ganun ba talaga kalala yung panic attacks mo? To the point na kailangan mo nang e-under sedation?" tanong ni Thunder

"Oo eh" simpleng sagot ko at binalik ang atensyon sa bulto ni Storm, Jaydee, Jaycee, at Autumn na naglalaro ng basketball dito sa gym

Nasa gym kami ngayon kasi gusto daw ni Summer na makita si Jaydee na maglaro ng basketball

Matagal ng may gusto si Summer kay Jaydee at ganun din si Jaydee kay Summer sadyang manhid lang si Summer para maramdaman na gusto din siya ni Jaydee at sadyang torpe lang si Jaydee para umamin...Like the heck!

Pag-untugin ko tong dalawang to eh

"In fairness magaling maglaro si Storm" Sabi ko at nginitian naman ako ni Thunder at pinandilatan naman ako ni Summer

"What?" tanong ko sa kaniya

"Dapat si kuya ang pinupuri mo at hindi si Storm, akala ko ba kay kuya ka lang ba't ngayon kay Storm ka na" Sabi nito at pinalo ko naman ang braso niya

"Fuck you" Sabi ko at natawa naman kami parehas

"Bakit, imposible bang magustuhan mo ang kakambal ko?" tanong ni Thunder sa'kin

"Hindi naman" sagot ko at sinulyapan si Storm na sinusubukang agawin ang bola kay Autumn

"Mabait ang kapatid mo, madaling pakisamahan, masaya kasama, makulit, gentleman, at guwapo din siya" Sabi ko at naramdaman ko naman ang mga mata ng dalawang to na nakatingin sa bulto ko bago tinignan si Storm

"Sinong mas guwapo si Autumn o si Storm?" tanong ni Summer

"Para sa'kin si Storm kasi mukha siyang Greek god" panimula ko

"Pero si-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Thunder at sumigaw

"Sabi ni Winter mas gwapo daw si Storm kaysa kay Autumn!" bulyaw niya sa loob ng gym at nag-init naman ang pisngi ko dahil sa tingin ng mga estudyante sa'kin sa loob ng gym

"Tangina mo" Sabi ko sa kaniya at napatingin kay Autumn na ngayon ay nakakuyom ang mga kamao at umiigting na rin ang panga

"I'm tired" Sabi niya at padabog na binagsak ang bola at padabog din na lumabas sa gym

"Hindi mo kasi ako pinatapos eh!" pagmamaktol ko kay Thunder at pinagpapapalo ang braso niya

"Shit!" singhal ko at tumakbo palabas ng Gym at agad na hinanap si Autumn

"Autumn?" tinignan ko ang loob ng canteen kasi yun ang lugar na pinakamalapit sa gym

"Hello, nakita niyo ba si Autumn?" tanong ko sa mga estudyanteng nakaupo dun at umiling naman sila bilang sagot

Siguro hindi nila kilala, hays...

"Salamat" Sabi ko at lumabas na ng canteen

"buwesit na Thunder na yan, hindi kasi ako pinatapos eh" Sabi ko sa sarili ko at tumakbo sa volleyball court ng school pero wala pa rin akong Autumn na nahahanap

"Please be here" Sabi ko at kumatok na muna bago dahan-dahang binuksan ang shower room ng boys sa gym

"Hello, wala ba dito si Autumn?" tanong ko sa mga tao na nandun

"Sorry, wala siya dito" Sabi ni Kuya Kenji at ngumiti na lang ako bagp umalis

"Winter!"

"Ay kabayo!- takte naman...Ba't ka ba nanggugulat!" sigaw ko kay Rain na ngayon ay tumatawa

"May training daw, pupunta ka?" tanong nito "Oo naman, ikaw?"

"Ako Syempre...Hindi" Sagot niya at pinalo ko naman siya sa braso at tumawa naman siya

"So, si Storm na pala ang gusto mo ngayon" Sabi niya at bakas sa boses nito ang pangangasar

"No!...Autumn pa rin ako hanggang ngayon nuh" Sabi ko "hindi lang ako pinatapos ni Thunder" Sabi ko at ngumuso pa

"Ano ba dapat sasabihin mo?" tanong niya

"Sasabihin ko sana na...na si Autumn mas guwapo kaysa kay Storm kasi hindi siya Greek, nakakasawa naman kasi kung laging Greek ang makikita ko" Sabi ko at tumango-tango naman siya

"Pumunta ka sa swimming pool" Sabi nito na ikinakunot ng noo ko

"Go!" Sabi niya at nagtatakang tumakbo naman ako papunta sa pool area ng school

"Buwesit na yan, wala rin palang tao dito" Sabi ko at pumunta sa locker room bago nagpalit ng damit at ng matapos akong magpalit ay lumabas na ako ng locker at lulusong na sana ng mapansin kong may tao sa gitna ng pool at nakalublub ang buong katawan nito sa tubig

"Shit! Sino yun?" Sabi ko at dahan-dahan na lumusong at pumunta sa gitna ng pool at agad namang nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko

"Autumn?" sigaw ko at agad na inangat ang katawan niya

"Autumn?" ani ko at tinapik-tapik ang mukha niya pero hindi siya nagigising

"Shit!" Sabi ko at lumangoy kasama ang katawan niya sa may tiles

"Shit!" singhal ko at nagsimulang mag-panic

"Autumn" Sabi ko at nilapat ang tenga ko sa dibdib niya

May heart beat pa siya

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agarang binuka ko ng kaunti ang labi niya at binigyan si Autumn ng cpr

"Autumn" Sabi ko at pinuwesto ang palad ko sa dibdib niya at tsaka pinuwersa na ilabas ang tubig sa baga niya pero wala pa rin

"Shit!" Singhal ko at muli siyang binigyan ng cpr at pinuwesto muli ang palad ko sa dibdib niya

"Autumn!" bulyaw ko sa bulto niya at sa huling pagkakataon ay nilapat ko ang labi ko sa labi niya

Nanlamig naman ang buong katawan ko ng maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko kaya agad akong lumayo sa bibig niya at tinignan siya

Bukas na ang mata nito at nakakahinga na rin siya hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na yakapin siya

"Winter..." ani niya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya

"Ano yun?" tanong ko habang hindi pa rin bumibitaw sa yakap

"My fourth wish" Sabi niya at humiwalay naman ako sa katawan niya at umupo naman siya

"Your fourth wish is?" tanong ko

"My fourth wish is this..." Sabi niya at agad namang nanlaki ang mata ko

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon