WINTER'S POV
"Okay ka na ba?" tanong ni Storm sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya
Kasalukuyang nakaupo kami sa bubong ng kotse niya at pinapanood ang palubog na araw
"Oo, salamat" Sabi ko at ngumiti naman siya at muli kong tinignan ang palubog na araw
"Mom, would like this place..." biglang sambit ko habang tinitignan ang buong paligid
"Yeah...She would" Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ang sulok ng labi niya na nakataas
"Kilala mo siya?" tanong ko at umiling naman siya "by name...Yes...Narinig ko lang na mahilig siya sa ganitong lugar from my Dad and of course from tito Andreas, your dad" sagot niya
"And they were right, you are another version of your mom" dagdag niya
"Really?" tanong ko at napatingin naman ako sa kulay asul niyang mga mata
"Oo" simpleng sagot niya at napangiti naman ako dahil dun
Habang hinihintay ang tuluyang paglubog ng araw ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at nakita na tumatawag si kuya Alexios kaya agad ko itong sinagot
"Hello...Adelfós" may pag-aalinlangan kong sagot sa telepono "are you on your way home?" tanong niya at tumingin na muna ako kay Storm at nagpaalam na may kakausapin lang ako
(Adelfós means brother in Greek)
"No, but we're already leaving" Sagot ko
"Well hurry up, I'm already here in daddy lolo's house and you have a visitor" Sabi niya at napatango-tango naman ako
"Okay, we're going to leave, see you soon love you" Sabi ko "okay see you soon, love You too" Sabi nito at pinatay na ang tawag
"Let's go" Sabi ko at tumango naman siya at umalis na sa pagkakaupo at pinagbuksan ako ng pinto tsaka naman ako pumasok
At ng makapasok na siya ay agad siyang nagmaneho paalis "sinong nagbabantay sa Beach mo, kung nasa Greece ka naman?" tanong ko
"si Daddy" sagot nito "nandito ang daddy mo?" Tanong ko
"Oo, matagal na actually...You really don't know who my father is?" tanong niya at umiling naman ako
"It's not like I don't know...I just don't remember" Sabi ko at nginisian niya lang ako
"Iisa lang yun Winter" sabi niya habang nakangisi "sino nga!?" medyo iretadong tanong ko
"Secret no clue hulaan mo" Sabi niya at pinalo ko naman siya sa braso
"Parehas na parehas kayo ni tito Kimon, yung driver ko" panimula ko
"Parehas kayong pinapaupo ako sa backseat, ayaw niyo ba akong katabi?" tanong ko at bahagya naman siyang natawa
"Talaga ba?" tanong niya at tumango naman ako
"Matulog ka na muna, medyo mahaba-haba ang biyahe pauwi sa bahay niyo" Sabi niya at ngumiti naman ako bago sinandal ang likod ko sa upuan at ipinikit ang mga mata ko
Pero imbis na makatulog ay mukha ni Autumn ang naisip ko
Yung mukha niya kanina habang sinisigawan ko siya, medyo nanghihinayang tuloy ako na ginawa ko yun sa kaniya
Pero hindi naman masama kung inilabas ko ang galit ko diba?
Pero...Hindi rin naman maganda na sa kaniya ko iyon nailabas
Minulat ko ang mga mata ko at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok
"Nakakabwesit!" pagmamaktol ko sa loob ng kotse
"Hoy! Okay ka lang ba? Nababaliw ka na ata?" tanong ni Storm at nakangusong tinignan ko siya
"Ang sama ko" Sabi ko habang nakanguso pa rin
"Bakit naman?" tanong niya "sinigawan ko si Autumn" sagot ko at natawa naman siya
"So, you feel bad about that? Hindi ba dapat siya ang makaramdam nun, he's slaving a princess for goddamn sake" Sabi niya at halata sa boses niya ang pagkairita
"Why are you so annoyed about it?" tanong ko
"Cause it's annoying and irritating hindi nakakatuwa, he should have done some research about you...Para namang wala siyang mahahanap" Sabi niya at natawa naman ako dahil sa pagkainis niya
Ang cute...
"wala naman talaga siyang mahahanap" Sabi ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya
"I told tito Vaughn Sanderson, to delete every information about me" Sabi ko at tumango-tango naman siya
"For a princess you have lots of connections" Sabi niya at inosente naman akong ngumiti
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa bahay namin. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at inalalayan na bumaba
"Let's go, inside" Sabi ko at tumango naman siya
"I'm home!" Sabi ko at niyakap si Daddy lolo at sinunod si mommy lola
"Adelfós!" sigaw ko ng makita siya at agad na tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit
(Adelfós means brother in Greek)
"I miss you" Sabi ko "I miss you too baby sis" Sabi niya at muli akong niyakap
"Kuya!" rinig ko namang sigaw ni Storm kaya napahiwalay ako sa yakap namin ni kuya at nilingon siya
Laking gulat ko na lang ng makita si Thunder na dinaanan kaming dalawa ni kuya
Lumapit naman siya kay Storm at binuka ni Storm ang kaniyang mga braso para yakapin si Thunder pero ng makalapit si Thunder sa kaniya imbis na yakap ay binatukan nito si Storm
"What was that for?" tanong ni Storm
"You kidnapped blue" Sabi ni Thunder
Who's blue?
"Pag pasensyahan niyo na po, weird talaga tong si kuya pati kotse pinangalanan" Sabi ni Storm at nakatanggap muli ng pagbatok mula sa kuya niya
"Oh by the way, hija" Sabi ni mommy lola kaya napatingin kami sa kaniya
"Autumn is in the Kitchen" Sabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko
"Ah! Yeah he's the visitor, I was talking about earlier" Sabi ni Kuya at tumakbo naman ako sa kusina
Sa totoo lang hindi pa ako nakakarating sa kusina ay nakita ko na siya sa may dining table pa lang, naghahain na ng pakain
"Akin na po yan" Sabi niya at tinulungan ang isa sa mga katulong namin
"Ms. Stavros, nandito na po pala kayo...Magandang gabi po" Sabi nung isa sa mga katulong dito
Bahagya naman akong yumuko at nang makatayo ako ng tuwid ay agad na nagtama ang mga tingin namin ni Autumn
"Good evening..." bati ko sa kaniya at tumango naman siya
"Good evening din" Sabi niya habang walang emosyon na pinapakita ang mukha niya
"Oh hijo, excited na akong matikman yung luto mo" boses iyon ni mommy lola
"Good evening po" bati sa kaniya ni Autumn
"Everyone, let's eat" Sabi ni mommy lola
"Baby sis..." Pagtawag sa'kin ni Kuya para maka-upo na rin "Thunder, Storm hijo, halina kayo rito" Sabi ni Daddy lolo at sumunod naman ang kambal at naghanap naman sila ng bakanteng upuan
Umupo si Thunder sa bakanteng upuan sa tabi ni kuya habang si Storm naman ay naupo sa tabi sa may kaliwa ko at si Autumn naman ay nasa kanan ko
"Upo ka" sabay na sabi ni Autumn at Storm habang hawak-hawak ang frame ng upuan na uupuan ko kaya napatingin naman ako sa kanilang dalawa
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...