CHAPTER 22 : FIFTH WISH

83 13 0
                                    

WINTER'S POV

Habang nag-uusap sina Kimon at Theía Tatiana ay hindi ko maiwasang malungkot...dahil ramdam ko kung gaano kamahal ni Theía si Kimon dati, sa mga kuwento nito sa'kin pero ramdam ko din kung gaano nasasaktan si Theía sa tuwing kinukwento niya si Kimon sa'kin

(Theía means Aunt in Greek)

Kaya ngayon napapaisip ako, kung ano kayang nararamdaman ngayon ni Theía? ; Masaya ba siya? Galit ba siya? Nalulungkot ba siya? Naiinis ba siya?

(Theía means Aunt in Greek)

"Winter...Okay ka lang ba?" bumalik naman ako sa realidad ng magsalita si Autumn "h-huh?" tanong ko

"Tinatanong ko, kung...okay ka lang ba?" tanong niya at tumango naman ako

"Okay lang naman ako, kaso lang nalulungkot ako" Sagot ko sa tanong niya

Nasa taas na kami ng bahagi ng café ni Theía, dito na kami pumuwesto simula nung kunin nung dalawa yung puwesto sa ibaba

(Theía means Aunt in Greek)

"Ano bang nangyari?" tanong niya habang nakatingin kena Kimon at Theía

(Theía means Aunt in Greek)

"Habang kuwento eh" sagot ko "pero to make it short"

"May gusto si theía kay Kimon dati, pero si Kimon wala siyang maramdaman na kahit na anong pagkagusto kay theía..." panimula ko

"So, si theía gumawa siya ng paraan para hindi lumayo sa kaniya si Kimon...Nakipagkasundo siya sa kaniya" lintaya ko

(Theía means Aunt in Greek)

"Anong kasunduan?" tanong ni Autumn "Ayokong sabihin" sagot ko at tumingin naman siya sa'kin at naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko

"Base sa...reaksyon mo ngayon mukhang, kung anong naging kasunduan natin ay yun din ang naging kasunduan nila, tama ba ako?" tanong niya at hindi naman ako makasagot dahil totoo

"Okay, continue the story..." Sabi niya at muling tumingin kena Theía at Kimon pero may kakaibang ngisi na ito sa labi

(Theía means Aunt in Greek)

"So, yun nagkaroon sila ng kasunduan at nagtagumpay si theía sa gusto niya...sa dulo ng kasunduan nagkagusto sa kaniya si Kimon" ani ko at huminga na muna ng malalim bago pinagpatuloy yung kuwento

"Nung nagtagumpay siya naging masaya naman, pero dumating yung araw na pupunta si Kimon sa Spain nun dahil sa utos ng ama nito. Nangako na babalik pero natagalan...nakabalik naman makalipas ang dalawang taon at naghintay si theía sa kaniya pero sa kasamaang palad ay kasal na si Kimon nung bumalik siya sa greece"

(Theía means Aunt in Greek)

"Sobrang nasaktan si theía sa nangyari..." pagtapos ko

(Theía means aunt in Greek)

"Ang sakit nuh?" tanong ko sa kaniya at halos mamula ang mga pisngi ko ng makitang nakatingin siya sa'kin "b-bakit?" tanong ko

"Kaya ba nasabi mo yun kanina?" tanong niya na ikinataka ko "anong sinabi ko?" tanong ko pabalik

"Yung sinabi mo na, kinuha mo yung chance makasama ako kahit walang kasiguraduhan na tatagal to?" tanong niya at naalala ko naman yung sinabi ko kay Theía nung nasa opisina pa niya kami

Huminga naman ako ng malilim at tinignan muna sina Kimon bago siya sagutin "Yes..." sagot ko at tinitigan siya bago niyuko ang ulo

"Why?" tanong niya at bakas sa boses niya ang lungkot at galit...I think?

"Answer me" Sabi niya at nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kaniya

"I can't" Sabi ko at tumayo naman siya "Uuwi na ako" Sabi niya at iniwan na ako sa table namin at bumaba na tsaka dumiretso sa counter at nagbayad bago lumabas ng café

"Kasi...katulad nung kanila. Isa lang tong kasunduan...Walang kasiguraduhan na akin ka...at natatakot din ako na baka mangyari sa atin kung anong nangyari sa kanila" Sabi ko sa sarili ko at isinandal ang likod ko sa upuan at huminga nang malalim bago tumayo sa upuan ko at bumaba tsaka dumiretso sa counter para magbayad

"Ahm, Ms. Stavros no need na po" Sabi sa'kin ni Alex "Huh? Paanong hindi ko na kailangan magbayad?" tanong ko

"Binayaran na po nung kasama niyong lalaki" Sabi niya at nagulat naman ako "Alam mo Ms. Stavros, bagay kayo" bumalik naman ako sa realidad at tumango na lang sa sinabi niya

"Sige, ahmm...salamat" Sabi ko at pinuntahan na sina Kimon

"Winter, aalis na ba tayo-"

"No" pagputol ko sa sasabihin ni Kimon "Stay, marami kayong dapat pag-usapan at tsaka kaya ko naman ang sarili ko" Sabi ko

"Pero gabi na..." Sabi ni Kimon at napatingin naman ako sa labas at nakita na medyo madilim na nga ang paligid

"It's okay, kaya ko sarili ko" Sabi ko at bago pa siya magsalita ay niyakap ko na si Theía bilang pamamaalam at lumabas na ng café

(Theía means Aunt in Greek)

Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad na sumalubong sa'kin ang malamig na simoy ng hangin bago ako tuluyang binalot ng takot dahil sa medyo padilim na paligid

Nagsimula naman na akong maglakad palayo sa café at habang naglalakad ay napahinto naman ako ng makaramdam na parang may sumusunod sa'kin

Okay lang to Winter...Kaya mo to-

"Get in-"

"Ay Tae!" gulat na sigaw ko dahil dun; tumingin naman ako sa may kalsada at nakita ko si Autumn na nakasakay sa kotse niya

"Get in" utos niya "Hindi ka pa ba nakakauwi?" tanong ko

"Kung nakauwi na ako, makikita mo pa ba ako dito?" sarkastikong tanong niya

"Hindi..." sagot ko

"Sakay!" Sabi niya at bubuksan ko na sana ang pinto sa backseat nang pigilan ako nito "Dito ka sa tabi ko" Sabi niya na ikinagulat ko

"h-huh?" tanong ko

"Dito ka sa tabi ko, wag mo kong pagmukaing driver" pag-ulit niya at tumango-tango naman ako bago pumunta sa passenger seat at binuksan ang pinto bago pumasok at umupo sa tabi niya

"Thank you..." Sabi ko at nagsimula na siyang magmaneho

"Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at naisipan mong umuwing mag-isa eh, nandiyan naman si Kimon?" tanong niya habang hindi ako tinitignan

"Nag-uusap pa kasi sila dun, kaya hinayaan ko na muna..." panimula ko "tsaka, wala naman akong lisensya para mag drive dahil underage pa ako" Sagot ko habang tinitignan siya at ng mapagtanto ko na hindi niya talaga ako titignan ay umayos na lang ako ng upo at tumingin sa labas ng bintana

Maya-maya pa ay naipit kami sa traffic ni Autumn at ang tanging ingay lang na maririnig sa loob ng kotse niya ay ang musika na nanggagaling sa radyo

"And darling I will be loving you 'til we're 70...and baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways..." mahina naman akong sumasabay dun sa kanta

"I'm thinking out loud, Maybe we found love right where we are" pagtapos ko dun sa kanta

"Winter..." ani ni Autumn kaya napatigil ako sa pagkanta at binalingan siya ng tingin

"Bakit?" tanong ko "My Fifth wish..." Sabi niya at tumango-tango naman ako

"Ano yun?" tanong ko

"My Fifth wish, is be my subject tutor?" Sabi niya at parang hindi pa siya sigurado sa hiniling niya sa'kin

"Why?" tanong ko at tinuon naman niya ang tingin sa daan ng umusad kami sa traffic

"I have my reason and it's none of your business to know..." Sabi niya at hindi na lang ako umimik

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon