CHAPTER 54: I ALREADY STOP

76 9 0
                                    

WINTER'S POV

Nakalipas na ang anim na buwan sa mga buhay namin na may magkahalong lungkot at saya. Syempre hindi nawala diyan ang pag-iyak ko pero habang tumatagal nawawala lahat ng sakit, ng alaala at sana balang araw pati yung nararamdaman ko sa kaniya

"Mrs. Velez!" Sabi ni Summer ng makapasok ito sa kuwarto ko at makaupo sa kama ko

"Puwede ba tigil-tigilan mo ko" Sabi ko sa kaniya at bumusangot naman siya

"Bakit ba? Eh...Mrs. Velez ka naman talaga" pagpilit pa niya

"Summer, ilang beses ko ba uulitin sayo..." panimula ko "...hindi kami kasal ng kuya mo, kasi sa wedding booth siya nangyari at laro lang din yun. Katuwaan ba" Sabi ko

"Kuya ko? Si Autumn?" tanong niya

"Oo, kuya mo" Sabi ko

"Si Autumn?" tanong pa niya

"Oo nga, yung kuya mo" Sabi ko at inirapan naman ako nito

"Sabihin mo...Au-tumn—Autumn" Sabi niya

"Kuya mo" Sabi ko bago ngumiti

"Ewan ko sayo" iritadong sabi niya bago tumayo sa kama ko at nilibot ang kuwarto ko

"Ang cute naman nito" Sabi niya habang hawak-hawak si Count Autumn na teddy bear "Ang cute..." ani niya

"Papatawarin ko na siya" Sabi ko kaya napahinto siya sa paglilibot at tinignan ako

"Kaya mo na ba?" tanong niya at tumango naman ako

"Ayokong magtanim ng galit sa kaniya, kasi mali yun" Sabi ko at nginitian siya "Sumaya naman ako kahit papaano sa piling niya, naranasan ko na maging kaniya kahit na...hindi totoo" dagdag ko at nilapitan naman niya ako bago yakapin

"I'm so happy for you" Sabi niya at mas hinigpitan naman namin ang yakap sa isa't-isa

Kinabukasan habang nilalagay ang mga gamit na bigay sa'kin ni Autumn sa isang box ay nakita ko yung paper bag na bigay sa'kin nina Oshea at Liam na naitago ko sa locker at ni minsan hindi ko binuksan. Tinigil ko na muna ang paglagay ng gamit at binuksan ang paper bag na iyon na ang nasa loob ay isang maliit na box

Agad ko itong binuksan at halos maiyak sa nakita ko. Ito yung kuwintas na suot-suot ko nung kinidnap ako ng tatay nila

Mabait sina Oshea at Liam sa katunayan sila ang dahilan kung bakit ako nakaligtas pero ang naging kapalit naman nun ay trauma sa'kin at pagkakakulong ng ama nila

"Winter..." agad ko namang pinunasan ang luha ko dahil dun at nilingon ko naman si Liam

"Hello" ani ko

"Bakit ka naiyak?" tanong niya at tinabihan ako sa kama ko

"Wala, may naalala lang" Sabi ko at hinagod naman niya ang likod ko

"Sure ka na ba?" tanong niya

"Huh?" tanong ko

"Sure ka na ba?...na babalik ka sa Greece after graduation?" tanong niya

"Hmmm, babalik din naman ako, kailangan ko lang...magpahinga" Sagot ko at ngumiti naman ito

"Hihintayin ka namin" Sabi niya at tumango naman ako bago siya niyakap

"Nakahanda na yung meryenda sa baba, halika na" dagdag niya kaya tumayo na kami at nilapag ko na muna ang box sa kama ko at sumabay na sa paglabas niya

At nang makababa kami ay bumungad sa'kin ang mga taong nagpapasaya sa'kin;

"Here" Sabi ni Daddy at pinagtulak ako ng upuan kaya umupo na ako

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon