WINTER'S POV
"Autumn?!" gulat na banggit ko ng makita siyang nakaupo sa sofa namin
"Hi..." walang emosyon na ani niya at bahagyang kinawayan pa ako
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya
"Mr. Kim, handa na po yung pinapahukay niyo" bungad ni Kimon
"Anong hukay?" tanong ko "yung hukay na paglilibingan nito" sagot ni kimon at tinuro si Autumn
"Ano?!" gulat na sigaw ko kay Daddy lolo at tito Ace
"Princess, we are just doing this for your own good" Sabi ni Daddy lolo
"Ahm...We? Plano niyo to Dad, it's all on you" Sabi ni tito Ace at agad naman siyang binato ni Daddy lolo ng unan pero nasalag naman niya iyon
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko kay Autumn
"Sasamahan ka papunta sa bookstore, marami na kasing nakakalat na masasamang tao sa paligid ngayon" Sagot niya na ikinagulat ko
"Marami na palang masamang tao...Edi lumayo ka sa apo ko nang mabawasan" rinig kong sabi ni Daddy lolo na ikinatawa ni tito Ace
"People, I'm here" napatingin naman kami sa may pinto dahil sa boses na iyon
"Tito Stephen" Sabi ko at niyakap siya
"Hello-who the hell are you?" tanong niya ng makita si Autumn
"Si Autumn kak-"
"Manliligaw niya" pagputol sa'kin ni Daddy lolo
"What the actually fuck!?" bulyaw ni tito Stephen "ilibing na natin ng buhay to" Sabi ni tito Stephen at tumango naman yung dalawa
"Guys!" napalingon naman kami sa boses ni mommy lola at ni tita December
"Lunch na muna tayo" Sabi ni tita August "tita August!" sigaw ko at tumakbo sa kaniya at mahigpit siyang niyakap
"Lunch na tayo" Sabi ni tita August at tumango naman ako at nilingon si Autumn na tahimik na nakaupo sa sofa at walang ka-emo-emosyon habang matalim na tinitignan ni Tito Ace, tito Stephen at Daddy lolo
"Autumn, kain na tayo" pag-aya ko "Hayaan mo siya magutom" Sabi ni Daddy lolo
"Florenz!" pagsuway ni mommy lola "thank you, mommy lola" Sabi ko sa kaniya at nginitian naman ako nito
"Pero love, nililigawan niya ang apo natin" pagmamaktol ni Daddy lolo at pinapadyak-padyak pa ang mga paa na parang bata
"Dad stop nakakahiya, hindi bagay sayo" Sabi ni tita December
"Whatever, para namang hindi ganito ang mga asawa niyo" Sabi ni Daddy lolo na ikinatawa namin
"Let's go, kain na tayo" Sabi ni mommy lola at tumakbo naman si Daddy lolo papunta kay mommy lola
"Let's go" Sabi ni Daddy lolo at hinawakan ako sa braso at hinila ako papunta sa dining area ng bahay
"Hoy! Hindi ka diyan! Dito ka" Sigaw ni Daddy lolo at tinuro ang upuan sa tabi nito at doon naman naglakad papunta si Autumn at umupo
"Sorry..." bulong ko sa kaniya at tumango na lang siya
"Ito na ang Lunch" Sabi ni mommy lola at nina tita bago inilapag ang pagkain sa lamesa
"Wow! Favorite ko" Sabi ko ng makita ang adobong atay ng manok na hawak ni tita December
"Enjoy Winter" Sabi ni tita "oh hijo ito, kain lang" Sabi ni mommy lola matapos lagyan ng kalderata ang plato ni Autumn
"Ako, hindi mo ba lalagayan yung plato ko ng ulam?" tanong ni Daddy lolo at halata sa boses nito na nagpapa-baby
"Malaki ka na, kaya mo na yan" Sabi ni mommy lola na ikinatawa ko
"Kumakain ka ba ng atay?" tanong ni tito Ace kay Autumn
"Hindi po" Sagot nito "ahh, si Winter mahilig yan sa atay pati sa puso, utak-"
"Ginawa mo naman akong Aswang tito Ace" Sabi ko na ikinatawa nila
"So, Autumn anong kukunin mong kurso sa college?" tanong ni Tito Stephen kay Autumn
"I'm not sure po if I'm taking engineering or doctor, Nasa options ko din po ang pagiging pilot" sagot ni Autumn
"Doctor...What kind?" tanong ni tita December
"Hmm, maybe neurologist or psychology?" sagot nito
"Base sa mga kukunin mo, I can sense that you're a smart kid" Sabi ni daddy lolo
"Thank you sir" Sabi nito
Makalipas ang ilang oras ay natapos din kami sa pagkain at nagpaalam naman na kami ni Autumn na aalis na para maagang makauwi
"Ano bang bibilhin mo?" tanong niya
"Libro, kaya nga sa bookstore tayo pupunta Eh" pilosopong sagot ko sa kaniya
Tumingin naman ako sa kaniya at bakas sa mukha nito ang pagkainis "Joke lang ito naman" Sabi ko at bahagya siyang pinalo pero mahina lang mas malakas siguro yung pagkapalo ko kay Storm kanina hehehehe
"Ayun!" Sabi ko at agarang tumakbo dun sa aisle at kinuha yung libro na gusto ko
"Seriously?" tanong niya ng makatabi siya sa'kin "bakit?" nagtatakang tanong ko
"You read those kind of books?" tanong niya at tumango naman ako
"Bakit may mali ba?" tanong ko referring dun sa wattpad book na hawak ko
"Masyadong cringy yung mga ganiyang libro" Sabi niya "Cute kaya" Sabi ko
"Ohhh, cute" Sabi niya at tinalikuran ako
"So you find this wattpad story cute too?" tanong niya kaya napalingon ako at agad ko namang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hawak niyang libro
Possessive series!
"Bitawan mo nga yan!" sigaw ko sa kaniya bago siya tinalikuran at hinawakan ang nag-iinit kong pisngi
"Nagbabasa ka ng ganun? O baka naman tapos mo na?" agad ko siyang hinarap pero agad na umatras palayo sa kaniya dahil sa lapit ng mukha namin
"W-wala kang p-pake" Sabi ko habang iniiwasan na tumingin sa mata niya
"So, tapos mo na nga?" tanong niya at bakas sa boses nito ang pangangasar
"Ahh alam ko na, nag-aantay ka ng update" Sabi niya kaya agad ko na siyang pinalo sa braso at nagmamartsang naglakad papunta dun sa cashier at binayaran na yung libro na pinili ko
Lumabas naman ako sa bookstore at hinintay siyang lumabas pero laking gulat ko na lang ng may nag abot ng ice cream sa'kin
tinignan ko naman kung kaninong kamay yun at nakita ko naman na kay Autumn pala iyon kaya tinanggap ko na pero hindi ko na muna kinain
"Kainin mo na yan bago matunay, sige ka magtatampo sayo si Midnight niyan" Sabi niya na ikinalaki ng mata ko sabay palo sa braso niya
"Nagbabasa ka din!?" bulyaw ko sa kaniya at hindi maiwasan ang mapangiti
"No" sagot niya habang kinakain yung ice cream niya
"Eh ba't kilala mo si Midnight!?" pagmamaktol ko "kay Summer" sagot niya
"Kainin mo na yan" Sabi niya at tinulak yung ice cream papalapit sa bibig ko
"Pag yan natunaw mag tatampo talaga sayo si Midnight, sige ka" Sabi niya at napangiti naman ako sa mga inakto niya
Sana lagi siyang ganto...
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...