WINTER'S POV
Makalipas ang ilang oras ay narating na rin namin ang bahay namin at bababa na sana ako nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at umiling-iling bago niya ito bitawan at bumaba ng kotse
"Anong problema nito?" tanong ko sa sarili ko at napatingin naman ako sa nakabukas na pinto sa side ko "baba na" Sabi niya at inalalayan akong bumaba gamit ang paghawak sa kamay ko
"Here" Sabi niya at inabot na rin sa'kin yung bag kung saan nakalagay yung binili namin na dress
"Bye!" Sabi ko at kinawayan pa siya
"Bye" Sabi niya at tumalikod naman ako para makapasok na ako sa loob pero muli akong napahinto nang hawakan niya ang pulsuhan ko at hinarap ako sa kaniya
"May kailangan ka?" tanong ko at halos mahigit ko ang aking hininga nang ilapit niya ang mukha sa mukha ko
"A-Autumn?" nauutal kong ani at napangiti naman siya bago inangat ang ulo niya at nilapat ang labi sa noo ko
"Bye, see you tomorrow" Sabi niya bago pumasok sa loob ng kotse niya at nag-maneho na paalis
"Winter-"
"Mommy!" gulat na sigaw ko nang bigla na lang may nagsalita
"Storm?! Jusko naman! Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ko at parehas naman kaming natawa
"Naalala ko kasi yung kaninang umaga. Yung tungkol sa panaginip mo" Sabi niya at tumango-tango naman ako
"Bakit anong meron dun?" tanong ko
"Pinahanap ko siya kay Tito Jeremy, kasi nasaktuhan na nandun siya sa Greece ngayon. Kaya ngayon pinapahanap ko yung record mo sa hospital kung saan ka dinala...at nag patulong na din ako kay Tito Vaughn" Sabi niya
Napangiti naman ako sa mga sinabi niya "Thank you" Sabi ko bago siya niyakap at yumakap naman siya pabalik
"Sige, pasok na ako ingat ka sa pag-uwi" Sabi ko nang maghiwalay na ang katawan namin at tuluyan naman na akong pumasok sa loob ng bahay
Kinabukasan habang nag-seselpon sa kuwarto ay nakarinig ako ng ingay sa ibaba kaya agad kong pinatay ang cellphone ko bago dumiretso sa ibaba at nakita dun sina Kimon kasama sina Storm at Thunder
"What's happening?" tanong ko at nilingon naman ako nina Mommy Lola bago tumabi at halos hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko
"Guwapo ba, Winter?" tanong ni Thunder sa'kin habang nakasuot ng tuxedo
"Hmmm" sagot ko at napatingin naman ako sa gawi ni Mommy Lola nang tumili ito
"Ang guwapo mo naman masyado, hijo" Sabi ni Mommy Lola kay Storm
"Hi Winter, what do you think?" Tanong niya
"It looks good" Sabi ko at naglakad naman ako papunta sa kaniya bago huminto ng magkatapat na kami
"Ayusin natin to..." Sabi ko bago inayos ang buhok niya "Ayan! Mas guwapo ka na" Sabi ko at nginitian siya
"A-ahmm, m-mag meryenda ka na dun. Nag bake ako ng strawberry cake" Sabi niya at tumango naman ako bago dumiretso sa dining table at nagsimula ng kumain ng makaupo ako
7:15 akong nagsimula mag-ayos para sa dinner party ng mga Velez at habang naglalagay ako ng make-up ay hindi ko naman maiwasan ang mailang dahil sa pinapanood ako ni Kuya Forrest
"Hindi ka man lang ba naiinip?" tanong ko ng lingunin ko siya
"No, ang satisfying ngang tignan eh" Sabi niya
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Dla nastolatkówWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...