WINTER'S POV
"Hi, Winter" bati sa'kin ni Autumn habang binubuksan ang locker sa tabi ng locker ko
"T-teka? Paano...napunta diyan yung locker mo?" tanong ko
"Pinalipat ko" Simpleng sagot niya
"Ahhhh" ani ko bago naglakad na palayo sa kaniya
"Winter, akin na" Sabi ni Autumn at dinala niya ang mga libro at bag ko
"Autumn, okay lang" Sabi ko at kukunin na sana ang mga gamit ko pero tumigil ito sa paglalakad bago umatras
"Okay lang. Gusto kong gawin to" Sabi niya at nagpatuloy naman na kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang classroom namin
"Here" Sabi ni Autumn at pinagtulak ako ng upuan bago ilapag ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa ko
"Salamat" Sabi ko at nginitian naman niya ako bago naupo sa upuan namin dati
"Anong nangyayari?" tanong sa'kin ni Summer nang makaayos na ako sa upuan namin
"Di ko alam?" sagot ko
Matapos ang tatlong subject ay lunch na at habang naglalakad ako papunta sa canteen ay nilingon ko naman si Autumn na nakasunod sa'kin
"Okay ka lang ba?" tanong ko at tumango naman siya habang nakangiti sa'kin
"Oo" sagot niya at nagpatuloy naman na ako sa paglalakad
At nang makaupo ako sa tabi ni Summer ay nagtaka naman ako ng may ilapag si Autumn na baonan sa harap ko;
"Eat well" Sabi niya bago umalis at dumiretso sa table nila nina Jaydee
"Kayo na ulit?" tanong ni Rain at umiling naman ako bago buksan ang lunch bag ko
"Hindi ah. Nagtataka nga ako kung anong ginagawa niya eh" Sabi ko
"Binuhat niya yung gamit mo kanina diba?" tanong ni Rain at tumango naman ako
"Pinagluto ka niya?" Sabi nito at muli din akong tumango
"Hindi kaya...ginagawa niya yung ginagawa mo dati?" teorya ni Rain "Hindi kaya, siya naman ngayon ang naghahabol?" dagdag nito
"Hindi naman siguro" Sagot ko bago lingunin si Autumn at muli siyang tignan "...tsaka wala naman siyang hahabulin. Hindi naman na ako tumatakbo"
Kumain naman na ako ng Lunch pero yung bigay ni Autumn ay binigay ko kay Rain;
"Sigurado kang ayaw mo?" tanong ni Rain habang kinakain yung bigay ni Autumn
"Ayaw" ani ko at pinagpatuloy ang pagkain ko sa baon ko
Nang matapos ang lunch ay nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Autumn sa tabi ko
"Ah! Ito na pala yung baonan mo" Sabi ko at binigay sa kaniya yung baonan niya
"Masarap ba yung luto ko?" tanong niya habang naglalakad kami
"Hindi ko alam, si Rain yung kumain hindi ako" Sagot ko at hinawakan naman nito ang pulsuhan ko bago kami tumigil sa paglalakad
"Pero niluto ko yun para sayo" Sabi niya at bakas naman sa mga mata nito na nasaktan siya sa nangyari
"Si Daddy kasi ang nagluto ng pagkain ko and naparami ng lagay kaya hindi ko na nakain yung sayo" Sabi ko
"Ahhhh, bukas na lang ulit kung ganun" Sabi niya
Kinabukasan ay naging ganito din si Autumn; Siya ang nagdadala ng mga gamit ko at nilulutuan niya rin ako ng pagkain para sa lunch kung minsan ay pang meryenda.
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...