CHAPTER 48: MENTAL BREAKDOWN

77 9 0
                                    

WINTER'S POV

"Anong nangyayari?" tanong ko nang makitang nagkakagulo sila sa sala ng makababa ako galing kuwarto

"Here..." Sabi ni Storm at inabot sa'kin ang isang papel "Si Autumn yung batang lalaking nakasagasa sayo 12 years ago" Sagot nito

Pilit namang tinatanggi ng utak ko yung sinabi ni Storm; napatingin naman ako kay Daddy dahil dun

"Daddy...totoo po ba?" tanong ko at tumango naman si Daddy at dun na ako napaupo sa sahig at umiyak

"Winter" ani ni Daddy at niyakap ako

"Nananaginip lang ako...Nananaginip lang ako" paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko "Hindi to totoo...hindi to totoo" pag-ulit ko pa

"Ahhhh!" sigaw ko sa sakit nang turukan nila ako

"Daddy..." ani ko bago tuluyang nawalan ng malay

Nang magising ako ay nasa loob na ako ng kuwarto ko at sinubukan ko namang i-sink in sa utak ko yung mga nalaman ko kanina

"Hindi yon totoo" pilit kong pagtanggi sa katotohanan pero talaga nga palang truth hurts

"I fucking hate you self...I fucking hate you for loving and trusting too much" Sabi ko sa sarili ko at umiyak na

"i prinkípissa mou..." Sabi ni Daddy nang makapasok ito sa loob ng kuwarto ko at may dala-dalang pagkain kaya agarang pinunasan ko ang luha ko at umupo

(i prinkípissa mou mean my princess in Greek)

"Here" Sabi ni Daddy bago nilapag ang tray sa kama ko

"Thank you po..." Sabi ko at ininom yung gatas na nandun

"Okay ka lang ba?" tanong ni Daddy

"I want to say yes kasi ayokong mag-alala ka—kayo, pero hindi kasi talaga eh. Masakit, sobra akong nasasaktan" Sabi ko at hindi na naman naiwasan ang umiyak kaya agad kong tinago ang mukha ko gamit ang palad ko

"It Hurts...so much" Sabi ko at naramdaman ko naman ang pagyakap ni Daddy sa'kin

"It's okay. Nandito si Daddy, mahal ko..." Sabi niya "Puwede kang maging mahina sa harap ni Daddy, maiintindihan naman kita eh" Sabi niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko

Nanatili naman kami ni Daddy sa ganung posisyon at nang kumalma na ako ay kumain na ako

"Daddy..." ani ko

"Ano yun?" tanong niya

"Gaano mo kamahal si Mommy?" tanong ko

"Sobra...kaya nung nawala siya, sobra din akong nasaktan" Sabi nito "Sobrang halaga niya sa'kin, kasi siya lang yung babaeng nakatagal sa ugali ko, siya lang yung babaeng nakatagal sa kabaliwan ko, sa ego ko, sa katarantaduhan ko—sa totoong ako"

"Kahit na masama yung sitwasyon nandiyan siya...Hindi niya ako iniwan, may pagkukulang ako bilang asawa niya pero hindi siya bumitaw. Mas pinaramdam niya sa'kin na mahal niya ako at kahit anong gawin kong pagkakamali nandiyan siya" dagdag nito

"Mahal na mahal ko ang mommy niyo—simula nung una ko siyang nakilala hangga't sa huling hininga niya" Sabi nito at parehas namang tumulo ang mga luha namin

"Kaya kung itatanong mo kung papalitan ko ba siya...Ang sagot hindi—kasi hindi ko kaya" Sabi ni Daddy na nagpangiti sa'kin

"Pero alam mo kung anong kaya kong gawin?" tanong ni Daddy "Maghintay..." sagot niya

"Kaya kong hintayin ang susunod na buhay para sa'min dalawa" paglinaw niya "Hindi ko man siya nakasama ng matagal ngayon, pero babawi ako sa susunod na buhay namin"

Chasing AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon