WINTER'S POV
"Masarap kang magluto Autumn, ang suwerte ng mapapangasawa mo" Sabi ni mommy lola habang hinahanda yung dessert
"Thank you po, masaya po ako na nagustuhan niyo" Sabi ni Autumn
"Kuya, how do you say that in Spanish?" tanong ni Archer
"Gracias, estoy muy contento causa de que te haya gustado" sagot ni Autumn
"Gracias, estoy muy contento causa de que te haya gustado" pagulit ni Archer sa sinabi ni Autumn
"Hmm, smart kid" Sabi ni Autumn at ngumiti naman si Archer
"Okay everyone, ito na yung cake" Sabi ni mommy la at napangiti naman ako sa cake na nasa harap ko
"Enjoy!" Sabi ni mommy la at lahat na kami ay kumain ng cake
"Hmmm" rinig ko mula kay Autumn kaya napatingin ako sa kaniya
"Masarap?" tanong ko at tumango naman si Autumn still wearing his cold expression
"Masarap hijo?" tanong ni mommy la
"Opo, Hindi siya masyadong matamis, malambot yung cake, yung amount ng icing tama lang po"
"Saan niyo po nabili?" tanong nito at napangiti naman ako
"Naku hijo! Hindi namin yan binili ginawa yan ni Winter kaninang umaga, pinalamig ko lang" Sabi ni mommy la at napatingin naman siya sa'kin
"You made this?" tanong niya at tumango naman ako
"Ano pa ba ang hindi ko alam tungkol sayo?" tanong niya at nawala naman ang ngiti sa labi ko at humarap na lang sa cake na kinakain ko
Maya-maya pa ay nagsiuwian na sila pero si Autumn, Storm, at Thunder ay naiwan dahil nagkukuwentuhan pa sila kasama si kuya
Hanggang ngayon ay nag-uusap pa din sila kaya napagdesisyunan ko na lang na mag-swimming
Habang nalangoy ay nakarinig ako ng mga boses na papalapit "so, ikaw yung hahawak sa Title sa Greece?" rinig kong boses ni Autumn
"Yes—baby sis! You're here, okay lang ba kung dito kami? Is my tagalog correct?" tanong ni Adelfós at tumango naman ako
(Adelfós means brother in Greek)
"Just cut the accent" Sabi ko at nagpatuloy na ulit sa paglangoy
"How about, Winter?" rinig kong tanong ni Storm habang nasa ilalim pa rin ako ng tubig
"What about my Mikrí adelfí?" rinig kong boses ni adelfós
(Mikrí adelfí means baby sister in Greek)
(Adelfós means brother in Greek)
"Is Winter a Princesa de Austrias in Spain?" tanong ni Storm
(Princesa de Austrias means a heiress apparent or the first in line of succession)
"Yeah...Sooner or later Winter, I adelfí mou will hold that title permanently" sagot ni Adelfós na ikinagulat ko kaya agad kong pinaibabaw ang ulo ko at hinabol ang hininga ko
(I adelfí mou means my sister in Greek)
(Adelfós means brother in Greek)
"Gamó! Skatá!" yan ang mga salita na lumabas sa bibig ko
(Gamó! Skatá! Means fuck! Shit!)
"Okay ka lang ba?" napatingin naman ako kung saan nanggaling yung boses na yun at ng makita ko kung sino yun ay napaatras ako sa gulat
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...