WINTER'S POV
Bukas na gaganapin ang graduation naming mga highschool students at habang naghahanda ang mga staff ng school at mga LOO officer sa pag-aayos sa graduating stage ay nilibot ko naman na ang school
"Hi, Winter meron pa bang space?" tanong ni Kyla at tumango naman ako bago tumalikod at dun niya nilagay ang pangalan sa likod na bahagi ng uniform ko
"ma-mi-miss kita" Sabi niya
"Ako din" sagot ko at nagyakapan naman kami bago ako umalis
Una kong pinuntahan ang library ng school kung saan ako mas natambay. Tahimik kasi at puwede ka ring matulog sa loob
"Hello, Winter" bati sa'kin ng librarian
"Hello po" bati ko pabalik
"Miss, Puwede po ba akong kumuha ng libro bilang souvenir?" tanong ko sa librarian
"Sure hija, go ahead" Sabi nito at napangiti naman ako at dumiretso na sa isang aisle at kinuha ang isang Greek mythology na libro
"Ito po kukunin ko" Sabi ko ng makabalik ako sa lamesa nito
"Ma-mi-miss po kita" Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya bago ako niyakap
"Thank you po sa pagiging part ng highschool life ko" Sabi ko ng maghiwalay ang mga katawan namin
"Ikaw din hija, thank you din sa pagtulong sa'kin na dumami ang mga estudyante dito sa library" Sabi nito at ngumiti naman ako
"Walang anuman" Sabi ko at lumabas na sa library habang dala-dala pa din ang libro
Sunod ko namang pinuntahan ang training grounds para swimming team;
"Winter! Kanina pa kita hinahanap" Sabi ni Alvin na kagrupo ko sa swimming
"Pirma ka sa uniform ko" Sabi nito at pinirmahan ko naman ang school uniform at swimming trunks niya
"Ako din" Sabi ko at tumalikod naman ako para makapirma siya at ganun na rin sa swimming uniform ko
"Nakita mo ba si coach?" tanong ko at tumango naman siya at sinabi sa'kin na nasa opisina daw ito kaya agad akong pumunta dun
"Coach may training?" tanong ko kaya parehas kaming natawa ni Coach
"ma-mi-miss kita, Winter" sabi ni Coach
"Ako pa talaga ang inuto nito" Sabi ko at natawa naman siya
"Pirma ka coach" Sabi ko at pinapirma siya sa swimming uniform ko
"Ingat ka" Sabi nito at tumango naman ako
Sinunod ko naman ang rooftop ng school kung saan lagi kong tinitignan ang paglubog ng araw tuwing uwian dati. Nang makababa ako ay nasalubong ko naman si Ms. Arenas
"Hi, ma'am" Sabi ko at niyakap siya
"Pirma ka Ma'am" Sabi ko at inabutan siya ng kulay pulang marker at tumalikod
"Winter, always stay strong and positive ha, yan ang wag na wag mong aalisin sa sarili mo" Sabi niya at tumango naman ako bago siya niyakap pabalik
Pinuntahan ko naman ang hallway kung saan nakapuwesto ang mga locker. Pinuntahan ko kung saan nakalagay ang locker ko ngayon at natawa ng makitang nandito pa din ang marka ng sapakin ko ito nung magkaroon ako ng mental breakdown
"Bitch!" isang pamilyar na boses ang nagpalingon sa'kin at dun ko nakita si Ayesha
"Pirma ako" Sabi niya at tumalikod naman ako para makapirma siya at ganun na rin ang ginawa niya para makapirma ako sa uniform niya
BINABASA MO ANG
Chasing Autumn
Teen FictionWinter Stavros is head over heels over a boy named Autumn Velez. but the problem is he didn't feel the same way. to be able to make him fall for her, she gave him 30 wishes for her to command and after it's finish ... it's either an happy ending for...